10 barangay sa Baco, Oriental Mindoro isolated dahil sa matinding baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 barangay sa Baco, Oriental Mindoro isolated dahil sa matinding baha

ABS-CBN News
Published Jan 05, 2023 12:38 PM PHT
|
Updated Jan 05, 2023 07:04 PM PHT

Umapela ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Baco, Oriental Mindoro para mahatiran ng ayuda ang mga residente matapos ma-isolate ang nasa 10 barangay sa bayan dahil sa mataas na baha.

Nanawagan ng tulong si Baco Mayor Allan Roldan sa national government para mabigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya, lalo't maliit lang aniya ang calamity fund ng bayan.

Hirap mapasok at mahatiran ng tulong ang 10 barangay dahil hanggang baywang ang taas ng baha.

Ayon kay Roldan, 21 sa 27 barangay sa Baco ang lubog sa baha habang halos 60 pamilya na ang inilikas.
Ayon kay Roldan, 21 sa 27 barangay sa Baco ang lubog sa baha habang halos 60 pamilya na ang inilikas.
ADVERTISEMENT
Inumpisahan na rin ng lokal na pamahalaan at provincial government ang pamimigay ng relief goods sa mga apektadong residente.

Nasa 3,000 pamilya ang apektado ng baha, ayon sa alkalde.

Ilang araw na umanong malakas ang ulan kaya umapaw ang Alag at Karayrayan rivers.

Ayon kay Roldan, kailangan nang palalimin ang mga ilog para matugunan ang problema sa paulit-ulit na pagbaha sa kanilang lugar.

Inaasahan pa umanong lalaki ang baha dahil patuloy ang pag-ulan sa nakapaligid na bundok, na bumababa sa Baco.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT