Lalaking pumatay sa dalagitang kapitbahay kinasuhan na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking pumatay sa dalagitang kapitbahay kinasuhan na

Lalaking pumatay sa dalagitang kapitbahay kinasuhan na

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Pambu-bully ang umano'y alibi ng suspek sa kaniyang pagpatay sa 16 anyos na kapitbahay noong Disyembre 29, 2018 sa bayan ng Sta. Maria sa Davao Occidental. Hernel Tocmo, ABS-CBN News


STA. MARIA, Davao Occidental - Kinasuhan na ng murder noong Huwebes ang 18-taong gulang na lalaking pumatay umano sa kaniyang dalagitang kapitbahay noong Disyembre 29 sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nagtamo ng 23 saksak sa katawan ang biktima.

“Ang akusasyon ng mga tao sa social media na hinalay ang biktima. Pero ayon sa Medical Health Officer na nag-examine, negative ang result, negative sa lacerations at negative sa extragenital injuries,” ayon kay PO1 Mae Mamac, imbestigador ng Sta. Maria Police.

Nagdadalamhati ang pamilya lalo’t marami pa sana silang pangarap para sa biktima.

ADVERTISEMENT

Nakakulong na ngayon ang suspek na nagsabing nagtanim siya ng galit sa biktima sa pauli-ulit nitong pangungutyang magnanakaw siya ng manok, bagay na nagawa niya noon.

Hindi naman naniniwala ang pamilya ng biktima sa motibo ng pagpatay dahil may gusto raw ang suspek sa dalagita.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.