Publiko hinimok magtipid ng tubig dahil sa pinangangambahang shortage | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Publiko hinimok magtipid ng tubig dahil sa pinangangambahang shortage

Publiko hinimok magtipid ng tubig dahil sa pinangangambahang shortage

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 04, 2022 10:46 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nanawagan ngayong Martes ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na magtipid ng tubig dahil sa pinangangambahang kakapusan ng supply nito sa mga darating na buwan.

"'Wag aksayahin at i-recycle [ang tubig] kung maari. Ito 'yong sinasabi nating part ng management natin para makatulong naman ang tao, 'yong public, consumers," sabi ni NWRB Executive Director Sevillo David.

Pero sa ngayon, kaya pang punan ng Angat Dam ang pangangailangan sa tubig sa Metro Manila, ayon sa NWRB.

Sa ngayon, nasa 202.5 meters pa ang water level sa Angat Dam, malayo pa sa 180 meters na minimum operating level.

ADVERTISEMENT

Pero sa projection ng PAGASA, bababa sa 191 meters ang water level sa katapusan ng Enero, at tuloy-tuloy ang magiging pagbaba.

Ang problema umano ay sa Marso mag-uumpisa ang dry season habang Mayo pa inaasahang mag-uumpisang pumasok sa bansa ang mga bagyo.

Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, kahit pa umulan dahil sa habagat, maaaring hindi sapat ito para tumaas ang water level sa Angat Dam.

"Dry season and then kulang pa 'yong tubig natin sa dams so may possibility na magkaroon tayo ng water crisis," sabi ni Orendain.

Inabisuhan na ng NWRB ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System at mga water concessionaire na ihanda ang mga deep well at treatment plant pampuno sa pangangailangan ng Metro Manila at mga karatig-probinsiya sakaling magkaroon ng krisis sa tubig.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.