2 arestado nang mahulihan ng baril sa checkpoint | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 arestado nang mahulihan ng baril sa checkpoint

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Jan 04, 2019 11:57 AM PHT

GENERAL SANTOS CITY – Naharang sa checkpoint sa highway ng Barangay Labangal ang dalawang laborer matapos mahulihan ang isa sa kanila ng baril.

Nakunan pa ng CCTV sa checkpoint ang pagdating ng motorsiklong sakay sina Edmark Ribe at Juanito Perez, Huwebes ng gabi.

Sa kuha ng video, makikitang agad na ininspeksiyon ng mga pulis ang motorsiklo. Nang kapkapan na si Ribe sa tiyan, umiwas ito at nagtangkang umalis sa motorsiklo. Pero nakapa na ng pulis ang matigas na bagay sa tiyan nito.

Nang malamang baril na ito, agad na siyang pinalibutan ng iba pang mga pulis. Ang isa, napabunot pa ng baril para lang matiyak na hindi makapalag ang mga suspek. Agad kinumpiska ang baril sa kaniyang baywang at inaresto sila.

Paliwanag ni Ribe, napulot lamang niya ang baril.

Iimbestigahan pa ng mga pulis kung nagamit ang baril sa insidente ng pamamaril sa siyudad.
Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms si Ribe, habang pinag-aaralan pa ang isasampang kaso laban kay Perez.