Mahabang pila sa EDSA busway tumambad sa unang araw ng balik-trabaho sa 2023 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mahabang pila sa EDSA busway tumambad sa unang araw ng balik-trabaho sa 2023

ABS-CBN News
Published Jan 03, 2023 04:53 PM PHT

Mahabang pila ang bumungad sa EDSA Bus Carousel, Martes, sa unang araw ng pagbabalik-trabaho ngayong 2023.

Pasado hatinggabi pa lang ay mahaba na ang pila ng mga pasahero sa Cubao bus carousel station.

Dahil dito, napilitan nang mag-taxi ang ilang pasahero. Ayaw pa umano gumamit ng metro ng ilang driver na gustong mangontrata na lang.

May mga pasahero ring galing sa probinsya at lumuwas ngayong Martes para umabot sa trabaho.
May mga pasahero ring galing sa probinsya at lumuwas ngayong Martes para umabot sa trabaho.
ADVERTISEMENT
Lalo pang humaba ang pila pagsapit ng umaga sapagkat balik-opisina ang maraming Pilipino matapos ang nagdaang holiday season.

May mga nalito pa sa pagbayad dahil tapos na ang libreng sakay program at nangongolekta na ulit ng bayad at may dagdag-pasahe na rin sa mga bus.

"Actually sumakay ako ngayon akala ko walang bayad, nahiya ako kasi wala ako dalang cash, buti katabi ko nagbayad sakin, thank you sa katabi ko talaga," ayon sa pasaherong si Kian Orosco.

Ayon sa ilang pasahero, tanggap naman nila na may bayad na ulit ang bus pero aminado silang makakasakit ito sa kanilang budget.

Napansin din ng ibang pasahero na tila kaunti ang mga bumibiyaheng bus.
Napansin din ng ibang pasahero na tila kaunti ang mga bumibiyaheng bus.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ng Mega Manila Consortium, kumaunti talaga ang mga bumiyaheng bus dahil may mga driver na nag-leave para magdiwang ng Bagong Taon kasama ang pamilya.

"Every year yan, talagang nababawasan yung deployment kahit hindi diyan sa carousel kasi yung mga driver namin, kahit papano they want to be with family. Isa yan sa factor na di namin mapilit na mag-drive on that particular day lang naman," anang MMC Spokesperson Juliet de Jesus.

Nangako naman silang mas dadami pa ang mga bibiyaheng bus sa mga susunod na araw kapag nagsibalikan ang mga nag-leave na driver.

"Ito yung pinaka[unang] regular day, kasi yesterday is just a holiday so meron nagbabalikan pa lang, ngayon medyo malaki na ang deployment... going back to normal na," ani De Jesus.

Pinag-aaralan ng Department of Transportation kung puwede pang matuloy ang Libreng Sakay dahil kulang na ang pondo para rito.

Kung matuloy man, sabi nila na aabutin lang ito ng isang buwan.

"For 2023, ang naibigay na budget lang namin for service contracting ay P2.1 billion lang po, unlike noong nakaraan na inabot ito ng almost P8 billion including yung idinagdag namin na P1.4 billion. Kulang po yung pondo para ibigay lahat yan sa EDSA Busway," ani Transportation secretary Jaime Bautista.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT