50 bahay nasira sa pananalasa ng buhawi sa Iloilo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
50 bahay nasira sa pananalasa ng buhawi sa Iloilo

ABS-CBN News
Published Jan 03, 2023 12:46 PM PHT

Higit 50 bahay ang nasira sa magkahiwalay ng pananalasa ng buhawi sa bayan ng Oton, Iloilo at Iloilo City nitong umaga ng Martes.

Sa Iloilo City, 39 bahay ang nasira sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz.

Batay sa datos ng Iloilo City Social Welfare and Development Office, 15 bahay ang partially damaged at 6 ang totally damaged sa Barangay Santo Domingo.

Sa Santa Cruz, 12 ang naitalang partially damaged habang 6 ang totally damaged.
Sa Santa Cruz, 12 ang naitalang partially damaged habang 6 ang totally damaged.
ADVERTISEMENT
Isang residente rin ang naiulat na nasaktan matapos mabagsakan ng puno ng mangga ang kanilang bahay.

Natumba rin ang mga poste sa 2 barangay.

Sa Oton, 15 bahay sa Barangay Alegre ang nasira at ilang puno ang bumagsak bunsod ng buhawi.

Agad inilikas ng mga awtoridad ang mga residente sa mas ligtas na lugar.

Patuloy na inaalam umano ng mga awtoridad ang kabuuang bilang ng mga apektadong bahay at halaga ng nasirang ari-arian.

— Ulat ni Rolen Escaniel
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT