Mga maliliit na negosyo sa Siargao unti-unti nang nagbubukas | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga maliliit na negosyo sa Siargao unti-unti nang nagbubukas

Mga maliliit na negosyo sa Siargao unti-unti nang nagbubukas

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 03, 2022 07:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Abalang nilinis ngayong Lunes ni Jolly Escoyos ang mga paninda nilang souvenir sa isang tindahan sa General Luna, Siargao Island.

Ito ang unang beses na nakapagbukas ulit ang negosyong pinagtatrabahuhan ni Escoyoso, higit 2 linggo matapos humagupit ang Bagyong Odette.

Hindi umano madaling magbukas ulit dahil nabasa ang mga T-shirt at naputikan ang mga tinda noong bagyo.

"Tinry talaga namin buksan para malinis, maiayos. 'Di nga namin alam kung saan kami mag-uumpisa eh," ani Escoyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa may-ari ng tindahan, 6 ang kaniyang souvenir shop sa iba't ibang bahagi ng Siargao Island, isang kilalang tourist destination, pero isa lang ang naisalba.

Dagsa naman ang mga kostumer sa kainan ni Neneng Jarel dahil kaunti pa lang ang mga bukas na kainan sa General Luna.

Pinadapa ng bagyo ang restaurant kaya sumilong muna sina Jarel sa katabing bahay at doon muling nagbukas.

"Para makaserbisyo sa mga gustong kumakain," sabi ni Jarel.

Sa kabila ng pinsalang iniwan ng Bagyong Odette, tuloy ang bayanihan sa Siargao.

ADVERTISEMENT

Tulong-tulong ang mga pulis, sundalo at Task Force Bangon Siargao sa pag-aayos ng relief goods.

Nagsasagawa naman ng community kitchen ang magkakaibigang surfer, turista at dayuhan sa liblib na Barangay Salvacion para makakain ang mga apektadong residente.

Ang iba sa mga volunteer ng kitchen ay galing Maynila at Cebu na piniling manatili sa isla.

"Lahat naman tayo victims ng kalamidad at may mga kaibigan kami from outside na nagdo-donate so we decided to pool funds tapos help," ani Peter Capocao, na nagsagawa ng community kitchen.

Isang mural din ang pininta sa gitna ng General Luna na nagdadala ng mensahe ng pag-asa sa mga nasalanta ng bagyo.

ADVERTISEMENT

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.