Ilang pasilidad sa Maynila puno dahil sa mandatory COVID-19 testing | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang pasilidad sa Maynila puno dahil sa mandatory COVID-19 testing

Ilang pasilidad sa Maynila puno dahil sa mandatory COVID-19 testing

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 03, 2021 05:44 PM PHT

Clipboard

Eksena sa San Andres Sports Complex, isa sa COVID-19 testing at quarantine facility sa Maynila, nitong Enero 3, 2021. ABS-CBN News

Galing Pagadian City ang seaman na si Ricardo Opada at babalik na sa tinutuluyang boarding house sa Malate, Maynila habang naghihintay ng sampa.

Sa testing at quarantine facility sa San Andres Sports Complex dumeretso si Opada, pero puno na ito at hindi siya kayang ma-accommodate sa ngayon.

"Mahirap ang sitwasyon kasi puno na... Maghintay lang siguro ng ano, may bakante," ani Opada.

Sa memorandum ng Manila Health Department, kailangang sumailalim muna sa swab test ang mga taga-lungsod na galing ng mga probinsiya bago tanggapin sa kani-kanilang mga barangay.

ADVERTISEMENT

"Gusto nating panatilihing mababa ang COVID-19 infections sa lungsod ng Maynila," paliwanag ni Julius Leonen, chief public information officer ng Manila city government.

Sa ngayon, dagsa ang mga nagpapa-test sa San Andres Sports Complex, na kayang mag-accommodate ng 54 para mag-quarantine habang naghihintay ng resulta.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Wala tayong vacancy sa lalaki at iilan-ilan na lang po ang natitira for the female," ani Dr. Pauline Licaros, facility manager ng San Andres Sports Complex.

"Marami kasi dito sa Malate, may mga mariners, mga seaman, so boarding house for seafarers," paliwanag naman ni Dr. Allan Purugganan, isa sa mga doktor sa pasilidad.

Pero kung puno ang ibang pasilidad tulad ng San Andres Sports Complex, mayroon din namang walang katao-tao, tulad ng T. Paez Quarantine Facility sa Tondo.

ADVERTISEMENT

Mayroon itong 40-bed capacity at puwede umanong dalhin doon ang mga hindi kayang i-accommodate ng ibang pasilidad.

Tatanggapin umano sa T. Paez kahit mga walk-in at wala pang referral ng barangay, basta may katibayan na residente sa District 1 tulad ng ID at barangay certificate.

Inuulit ng lokal na pamahalaan ng Maynila na libre ang swab test at puwedeng kuhanin pagdating na sa lungsod.

May quarantine facility sa bawat distrito ng Maynila.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.