Construction worker, patay matapos mapagkamalang holdaper ng pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Construction worker, patay matapos mapagkamalang holdaper ng pulis

Construction worker, patay matapos mapagkamalang holdaper ng pulis

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 04, 2021 08:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patay ang isang construction worker sa Sta. Rita, Pampanga matapos mabaril ng isang pulis.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasasagawa ng dragnet operation ang mga pulis dahil sa nangyaring pagnanakaw sa isang piso net shop sa Barangay San Matias sa bayan ng Sta. Rita nang saktong mapadaan ang biktimang si Federico Pineda, 29 anyos.

Ayon kay Police Capt. Renemer James Pornia, hepe ng Sta. Rita Police, sumakto sa description ng suspek si Pineda kaya ito napagkamalan.

“During po ng dragnet operation, bigla pong sumulpot dun po sa area malapit po sa incident na same description po nung suspek po natin, so ang nangyari po, finlagdown siya however, nag-evade po siya at dinisregard po niya yung patrol officer po natin. Nagkahabulan po sila, and while 'yung patrolman po natin is nasa motorcycle po, when he drew his firearm, accidentally po nakalabit niya, yung victim po natin is tinamaan," aniya.

ADVERTISEMENT

Isang construction worker ang biktima at kagagaling lamang sa kaarawan ng anak nito nang mangyari ang insidente. Inihatid niya ang kaniyang tiyuhin sa malapit na sabungan kung saan nakita ring pumasok ang suspek sa pagnanakaw.

Nagkataon umanong parehong nakasuot ng puting sando si Pineda at ang suspek kaya napagkamalan ito.

Nagluluksa ngayon ang pamilya Pineda sa pagkamatay ni Federico.

"Pilit po naming tinatanggap pero talagang masakit po para po para sa amin, kasi wala naman kaming alam na ginawang kasalanan ng kapatid ko ang liit pa ng mga anak niya...sana bago siya gumawa mg hakbang o bago siya bumaril, sana kahit sa paa nalang o kaya yung motor nalang niya yung binaril pinuruhan niya eh," ani Michelle Pagauisan, kapatid ng biktima.

Kinondena ni Pampanga Governor Dennis Pineda ang nangyari at ipinag-utos ang agad na pagkulong sa nakabaril na pulis.

ADVERTISEMENT

Nangako din si Pornia na magiging patas sila sa imbestigasyon sa kaso.

"Magkaconduct po talaga kami ng fair investigation dito, hindi po namin ito-tolerate 'yung ganitong situation, na wherein kung may kamalian talaga 'yung mga personnel natin, we will file appropriate charges against them," ani Pornia.

Dinisarmahan na ang pulis at kasalukuyang nakadetine sa Sta. Rita Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong haharapin niya.

Samantala, nahuli rin ang suspek sa pagnanakaw sa piso net shop at nakuha sa kaniya ang ninakaw na pera. Kinasuhan na siya ng robbery at frustrated homicide.

- ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.