Bata, nagdiwang ng kaarawan sa burol ng pinaslang na ama | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata, nagdiwang ng kaarawan sa burol ng pinaslang na ama

Bata, nagdiwang ng kaarawan sa burol ng pinaslang na ama

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 03, 2019 08:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang isang bata sa burol ng ama na pinaslang 2 araw bago mag-Bagong Taon.

Hindi makuhang maging masaya ng batang si alyas Carlo kahit ipinagdiriwang ang ika-10 taong kaarawan.

Nakaburol kasi ang kaniyang ama na pinaslang sa Mandaluyong City, isang araw bago ang kaniyang kaarawan.

"Kasi po hindi namin expected na ganun mangyayari. Nakaplano na 'yun every New Year’s Eve nagce-celebrate, kaya nahanda na ang cake na ibo-blow niya," ani ng tiya ni Carlo.

ADVERTISEMENT

Ang tiya ni Carlo ang may-ari ng video na ipinadala sa Bayan Mo, Ipatrol Mo sa pagnanasang makamtan ang hustisya para sa pinatay na kapatid.

Nakahandusay sa kalsada ang ama ni Carlo matapos saksakin ng kainuman nito. Kakabirthday lang din ng biktima noong Disyembre 28.

Pumayag ang tiya at lola ni Carlo na tumatayong guardian sa kaniya na makapanayam ng ABS-CBN News.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Para kay Carlo, masakit ang pangyayari lalo't pakiramdam niya ay mag-isa siya sa panahong ito.

Kakaalis lang ng kaniyang ina patungong Saudi nitong Oktubre at hindi pinayagan ng amo na makauwi.

ADVERTISEMENT

"Sinabi sa akin ng mama, isipin ko lang daw po nasa tabi ko siya," aniya.

Nangako siyang mag-aaral ng mabuti para sa namayapang ama.

"Maging pulis po para mahuli ang nang-ano sa papa ko," aniya.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang taong sinasabing pumaslang sa biktima. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.