500 pamilya sa Palawan, nawalan ng bahay dahil sa bagyong Agaton | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
500 pamilya sa Palawan, nawalan ng bahay dahil sa bagyong Agaton

Cherry Ann Camacho,
ABS-CBN News
Published Jan 03, 2018 03:10 PM PHT
|
Updated Jan 03, 2018 11:19 PM PHT

PUERTO PRINCESA - Hindi bababa sa 500 pamilya na naninirahan malapit sa dalampasigan ang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton dito sa Palawan.

Na-wash out ng malalaking alon ang mga bahay sa Barangay Bagong Silang, Tagburos, at Bagong Sikat, ayon sa lokal na pamahalaan.

Nasira rin ang mga tulay at bangkang ginagamit sa pangingisda ng mga residente.

Ayon sa ilang mga residente, hindi nila namalayan na mabilis ang pagtaas ng tubig dagat kaya wala silang nadalang mga gamit sa paglikas.

ADVERTISEMENT
"Hindi namin alam na may bagyo, kala namin amihan lang, tapos mabilis yung tubig, pinasok na ang mga bahay namin at nasira pa ang tulay kaya may mga na-trap din," ani Emma Zabanal, residente ng Brgy. Tagburos.

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard Palawan ng 274 na stranded na pasahero sa mga pantalan, habang 4 na motor vessel at 1 motor bangka na hindi pinayagang maglayag dahil sa sama ng panahon.

"Sa ngayon, wala naman tayong naitalang aksidente sa dagat at epektibo naman ang paghihigpit natin...Hindi pa rin pinayagan maglayag sa El Nido dahil sa nakataas na gale warning doon," ani Ensign Lynnette Delos Santos, tagapagsalita ng Coast Guard Palawan.

Nakaalerto naman mula pa kagabi ang City at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at agad na naglibot sa mga apektadong barangay para maghatid ng tulong at malaman ang lawak ng pinsala ng bagyo.