Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nasa 2,600 pasahero sa Davao International Airport, apektado ng technical problem sa NAIA
Nasa 2,600 pasahero sa Davao International Airport, apektado ng technical problem sa NAIA
ABS-CBN News
Published Jan 02, 2023 12:37 AM PHT
Nagkatensyon ang mga pasahero sa Davao International Airport Linggo ng gabi dahil sa kawalan umano ng sistema ng isang airline company sa pag-rebook ng flights.
Ito'y matapos maapektohan ang nasa 2,600 na mga pasahero ng Davao airport dahil sa nangyaring technical problem ng air traffic management system sa Ninoy Aquino International Airport.
Bagama't patuloy ang rebooking ng airline companies sa mga apektadong pasahero, nais nila na mapabilis ito.
Isa si Daniel Dela Torre sa mga nakansela ang flight. Nasa Davao siya dahil namatayan ng kapatid, at uuwi na sana sa Cavite para bumalik sa trabaho.
ADVERTISEMENT
Alas-12:25 ng tanghali sana ang scheduled flight ni Dela Torre at nasa paliparan na ng 10 a.m.
"Sa video, nagkaroon ng tensyon dahil hindi maayos kanina ang pagtawag ng number para sa pag-rebook ng ticket at gusto pa kaming pauwiin na lang, babalik bukas, at magka-cut na daw sana ng transaction," ani Dela Torre.
Pero, naayos din naman ang problema at nakapag-book na ng special flight para bukas.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines Davao, 15 ang kanseladong flights habang dalawa naman ang diverted flights, at dalawa ang delayed flights.
ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.
Our website is made possible by displaying online
advertisements to our visitors. Please consider supporting
us by disabling your ad blocker on our website.
Our website is made possible by displaying online
advertisements to our visitors. Please consider supporting
us by disabling your ad blocker on our website.