Miyembro ng Philippine Navy, arestado sa pagnanakaw ng cellphone
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Miyembro ng Philippine Navy, arestado sa pagnanakaw ng cellphone
April Rafales,
ABS-CBN News
Published Jun 28, 2016 03:35 AM PHT

MANILA - Matapang na hinabol ng isang grade nine pupil ang kumuha ng kanyang cellphone sa loob ng jeep. Nang mahuli ang snatcher ay napag-alamang miyembro pala ito ng Philippine Navy.

Sising-sisi ang suspek na Jessie Ortega. Bukod kasi sa sugat sa ulo, pagkakakulong ang bagsak nito matapos mahabol ng biktima umano niya ng snatching.

Kwento ng ina ng biktima, hawak ng bata sa loob ng jeep sa kahabaan ng E. Rodriquez Ave. ang walong-buwan pa lamang na cellphone nitong nagkakahalaga ng P46,000 nang biglang hablutin ng isa pang pasaherong lalaki, sabay takbo.

Maswerteng hindi sinaktan ng suspek ang biktima. Sa tulong ng mga residente at mga nagpapatrolyang pulis, nahuli ang suspek na napag-alamang miyembro pa ng Philippine Navy.

Sinaktan pa umano ito ng mga nakahuling residente

Ayon sa suspek, gipit lang siya kaya nagawa niyang mang-snatch ng cellphone.

Aalamin kung aktibo pa sya sa serbisyo para malaman kung may kasong administratibong dapat isampa sa kanya. Kakasuhan naman ang suspek ng robbery-snatching.