Volunteer teachers nagtuturo ng pagbabasa sa Bobon, Northern Samar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Volunteer teachers nagtuturo ng pagbabasa sa Bobon, Northern Samar

ABS-CBN News
Published Jun 04, 2024 07:31 PM PHT
MAYNILA — Isang volunteer teacher ang nagpasimula ng reading program para sa mga mag-aaral sa ilang barangay sa Bobon, Northern Samar.

Masayang ikinwento ni Bayan Patroller Bony Monticalvo ang kasisimula pa lang na reading program para sa mga non at slow readers sa kanilang lugar.

Si Monticalvo ay 25 anyos at board passer ng Licensure Exam for Teachers pero wala pang item sa Department of Education kaya nagsisilbi muna siyang Learning Support Aide sa ilalim ng Department of Labor and Employment.

Volunteer teacher siya ngayon sa Dangcalan Integrated School sa Bobon.
Volunteer teacher siya ngayon sa Dangcalan Integrated School sa Bobon.
ADVERTISEMENT
Kwento ni Monticalvo, napansin niyang madami sa mga mag-aaral ang hindi o mabagal magbasa kaya naisipan niyang maglunsad ng reading program para sa mga anak ng kanilang kapitbahay sa Bgy. Sta. Clara.

Aniya, nagsimula ang kanyang munting proyekto noong Marso 2024 sa loob ng kanilang bahay.

Ngayon ay may kasama na siyang tatlo pang teacher volunteers na nagtuturong magbasa sa mga mag-aaral mula una hanggang anim na baitang.

Minsan aniya ay may mga slow-reader high school students pa na sumasali sa reading program.

Ayon kay Monticalvo, tuwing Sabado at Linggo ay umiikot sila sa mga barangay ng Sta. Clara, Magsaysay, General Lucban, at Salvacion para magturo ng pagbasa.

Dahil malaki ang naitutulong ng reading program sa mga kabataan ay nakakatanggap na din sila ng mga donasyon tulad ng pagkain, lapis at papel mula sa lokal na pamahalaan at mga indibidwal.

Bukod sa pagbabasa ay naglulunsad din ng clean up drive, trash walk activity, at story telling ang mga volunteer teachers.

Ayon kay Monticalvo, magpapatuloy ang kanilang reading program sa bakasyon habang naghihintay pa sila na magkaroon ng item sa DepEd. — Ulat ni Dabet Panelo, BMPM