Babaeng Aeta kauna-unahang board exam passer sa kanilang tribo sa Pampanga | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng Aeta kauna-unahang board exam passer sa kanilang tribo sa Pampanga

Babaeng Aeta kauna-unahang board exam passer sa kanilang tribo sa Pampanga

ABS-CBN News

Clipboard

Ang Aeta na si Lady Anne Duya ang kauna-unahang miyembro ng kaniyang tribo na pumasa sa licensure examination. Mga retrato mula kay Duya

Kahanga-hanga ang isang babaeng Aeta mula Pampanga, na siyang kauna-unahang miyembro ng kaniyang tribo na pumasa sa licensure examination.

Siya si Lady Anne Duya, miyembro ng tribong Mag-indi o Mag-antsi na pumasa sa nakalipas na criminologist licensure examination.

Kumuha si Duya, na tubong-Porac, ng kursong criminology sa Central Luzon College of Science and Technology.

"Noong kinamusta po nila ako noong kauwi ko po galing exam, tinanong po nila ako kung kumusta 'yong exam tapos sabi ko po sa kanila sobrang nahirapan ako. Umiyak lang ako nang umiyak that time," ani Duya.

ADVERTISEMENT

"Sabi ko po sa kanila hintayin nalang po namin 'yong results kasi maski ako nag-doubt po ako na hindi po ako papasa," dagdag niya.



Nagpursigi si pag-aaral si Duya, na nakatanggap ng iba't ibang parangal gaya ng most outstanding criminology intern, service awardee at best in thesis. 

Nakapagtapos siya ng pag-aaral noong Hulyo 2023.

Malaking bagay aniya na naging scholar siya ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Pampanga at provincial government.

"Maraming maraming salamat po sa programa na scholar para sa mga kagaya naming katutubo na hindi kayang suportahan ng buo ang pag-aaral... salamat po kasi hindi kayo nawalan ng pag-asa na bigyan kami ng pagkakataon para mangarap at mag-aral," ani Duya.

"Kaya sana 'wag mawalan ng pag-asa mangarap lang ng mangarap kasi hindi tayo babae lang o hindi tayo Aeta lang kundi isa rin tayo sa mga tao na puwedeng tumupad sa mga pangarap natin," dagdag niya.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ni Duya kung saang ahensiya siya papasok para sa propesyon. Patuloy rin umano niyang ipagmamalaki ang pagiging katutubo.

— Ulat ni Gracie Rutao


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.