Stray animals, pinapakain gamit ang DIY remote control truck | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Stray animals, pinapakain gamit ang DIY remote control truck

Stray animals, pinapakain gamit ang DIY remote control truck

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard


Ibinahagi sa social media ng mag-partner na pet lovers mula sa Tanza, Cavite ang kanilang "paandar para magpakain sa mga stray animals na kanilang nakikita.

Sa mga bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Renz Pedro, makikita ang DIY remote control truck o Truck 4 Paws na mayroong bitbit na pagkain at tubig. 

Ang siste, papaandarin niya ang RC truck at susubukan itong ilapit sa mga aso o pusa na makikita sa daanan. Kinakailangan ng kaunting pasensya dahil minsan ay matagal o nahihiya lumapit ang stray animals.

"We both love pets and animals. We love to donate to other people and also to animals. Every time na we head to work, nakakakita kami ng stray animals. Naaawa kami because they can’t talk, they can’t complain or ask for help, so we just feel their pain," ani Bayan Patroller Renz.

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang kanilang adbokasiya ng kaniyang partner na si Louise Cayetano na magpakain ng mga stray animals nito lamang August 26, 2024 at aniya, ginagawa nila ito pagkatapos ng trabaho o mayroong libreng oras.

Inaabot ng halos 10 minuto ang paghahanda ng pagkain at tubig kada paandar niya sa remote-controlled truck at bilang pagtitiyak ni Bayan Patroller Renz na ligtas ang pagkain at tubig sa mga hayop ay nililinis nila ang food dish tuwing matatapos kumain ang isang stray animal.

Sinisugurado rin nilang isa-isa lang ang kumakain at hindi ito dinudumog ng iba pang stray animals.

"Most of our videos are dogs pero meron din naman kaming cats. Napansin namin na mas madaling hanapin ‘yung mga dogs compared sa cats. 6:33: Actually, nagpapakain kami sa random places. Kunwari, pupunta lang kami sa palengke, makakakita kami so ilalabas namin ‘yung truck namin," sabi ni Renz.

Iba aniya ang saya na naibibigay sa kanila sa tuwing makatutulong sa mga hayop.

Mensahe ni Renz sa mga netizen na kung hindi kayang pakainin ang stray animals ay huwag na lang saktan ang mga ito.

-- Ulat ni Chalssea Echegoyen, BMPM Intern

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.