Reactive hypertension: Paano iiwasan ang stress na nakakamatay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Reactive hypertension: Paano iiwasan ang stress na nakakamatay

Reactive hypertension: Paano iiwasan ang stress na nakakamatay

Neima Chowdhury

Clipboard

Reuters file photo

MANILA -- Habang tumataas ang temperatura, maaari ring tumaas ang blood pressure ng isang tao dahil sa stress.

Sa panayam ng DZMM, ipinaliwanag ni cardiologist Dr. Paul Baello na may tsansa na tumaas ang blood pressure kapag tumagal sa ilalim ng araw bunga ng stress na dulot ng init.

"'Yung dala po ng init ng panahon 'pag na-expose po tayo especially 'yung mga may edad, 'yung athletic, 'yung mga nagtatrabaho sa ilalim ng init ng araw, bale may tendency po na tumaas po 'yung blood pressure dahil po doon sa na-i-stress po 'yung katawan dahil sa exposure sa araw," paliwanag ni Baello.

Ang klase ng pagtaas ng blood pressure na ito ay tinatawag na reactive hypertension na dulot ng pagtugon ng katawan sa stimulant o stress.

ADVERTISEMENT

Normal din ang pagtaas ng blood pressure depende sa ginagawa ngunit kapag ito ay nadagdagan ng stress, maaaring mas tumaas pa ito.

"Kapag may dumagdag na stress, tataas siya than usual. Heat can cause stress," pahayag ng cardiologist.

Ang normal na blood pressure ay 120/80 at maari itong tumaas hanggang 140/80 depende sa gawain ngunit kapag tumugon ang katawan sa stress, maari itong umabot sa 160/80 o higit pa.

Payo ni Baello, magkaroon ng regular na check-up sa doctor upang maiwasan ang pagtaas ng blood pressure.

Makabubuti rin na uminom ng tatlong litro o 10 hanggang 12 na baso ng tubig araw-araw.

Nagbabala rin si Baello na may pagkakataon na ang high blood pressure ay walang sintomas.

"Maaring silent killer po siya [high blood]," paglalarawan ni Baello.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.