Mga torotot patok sa Davao City tuwing Bagong Taon | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga torotot patok sa Davao City tuwing Bagong Taon

Mga torotot patok sa Davao City tuwing Bagong Taon

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

DAVAO CITY — Dumarami ang mga nagbebenta ng torotot sa mga sidewalk habang papalapit ang pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod na mahigpit na nagpapatupad ng firecracker ban.

Bukod sa mga mall, kadalasang nabibili rin ang mga murang torotot sa may Ilustre Street, San Pedro Street, Uyanguren, at J. P. Laurel Avenue sa Davao City.

Ibinebenta ang mga maliliit na plastik na torotot sa halagang P35, habang P150 naman ang mahaba ng torotot na parang trumpeta.

Kung ayaw namang umihip, may torotot na may kasamang air pump sa halagang P100.

ADVERTISEMENT

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Pero tingin ng nagbebentang si Omar Bantuas, naapektuhan ang kanilang benta sa paglindol noong nakaraang buwan.

Inaasahan naman nilang lalakas ang benta ng torotot habang papalapit ang bisperas ng Bagong Taon.

Humalili ang torotot sa mga paputok bilang pampaingay sa pagsalubong ng Pasko at Bagong Taon, matapos higpitan ng lokal na pamahalaan ang firecracker ban nila simula 2003.

Ilang taon na ring walang naitalang firecracker-related injuries sa lungsod, lalo na sa mga babala noon ni dating mayor at ngayo’y President Rodrigo Duterte sa mga mahuling magpapaputok.

Taon-taon din mula noong 2013, isinasagawa ang Torotot Festival sa Davao kasabay ng pagsalubong ng Bagong Taon bilang kampanya sa ligtas na pagdiriwang ng holiday season.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.