Tradisyong Pinoy tuwing Pasko, nagningning sa Europa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tradisyong Pinoy tuwing Pasko, nagningning sa Europa

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau
Published Dec 27, 2023 02:40 AM PHT
|
Updated Dec 27, 2023 11:54 AM PHT

VATICAN CITY – Mga Pilipino sa iba-bang panig ng Europa ipinagdiwang ang pasko at muling isinabuhay ang tradisyong Paskong Pinoy.

Sa Vatican City, pinangunahan ni His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, pro-prefect of the dicastery for evangelization, ang Simbang Gabi ng Filipino community sa St. Peter's altar.

Kasama niyang co-celebrant si Cardinal Silvano Tomasi ng Scalibrinian Missionaries. Inorganisa ito sa pakikipagtulungan ng Sentro Pilipino Chaplaincy in Rome sa pangunguna ni Father Ronan Ayag.

Sa kanyang homily, hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Pilipino na maging saksi ni Kristo kahit saan man sila naroroon.

“Sumaksi sa liwanag ni Kristo. At kilatisin ang kanyang presensya na kung minsan hindi natin nakikilala na andyan pala sya sa ating piling,” sabi ni Cardinal Tagle.

Halos mapuno ang Basilica dahil sa libo-libong nag-Simbang Gabi.

“Pakiramdam ko nga ay para nang Papa ang nagmimisa dahil kitang-kita kong punong-puno ng mga tao,” sabi ni Lyn Magsino, miyembro ng Pag-Ibig Kay Hesus Catholic Charismatic Community.

“Talagang dinala ko itong flag para at least maipagmalaki natin ang mga Pilipino sa Italya,” sabi ni Arnel Lacson, miyembro ng Peñafrancia community.

BRUSSELS, BELGIUM
Sa Belgium, iba- ibang belen mula sa labinsiyam na Catholic community sa Brussels ang itinampok sa Saint Michel Church. Bukod sa Pilipinas, kabilang sa exposition ang belen mula sa Lebanon, Korea, Japan, at iba pa.

Layon nitong ipakita na kahit magkakaiba man ang hitsura ng mga belen ng bawat bansang pinanggalingan, ang tunay na diwa ng kapaskuhan ay ang kapanganakan ni Hesus na siyang tagapagligtas ng sanlibutan.

Inorganisa naman ng Coalition of Filipino Associations in Belgium o COFAB ang Pasko sa Brussels. Sinimulan ang okasyon ng isang Misa at may salo-salo ng masasarap na mga pagkaing Pilipino.

PARIS, FRANCE
Sa France, masigla ring ipinagdiwang ang tradisyonal na Misa de Gallo na dinaluhan ng mahigit tatlong daang Pilipino sa Paris.

Pinamunuan ni Father Leo Balaguer ang misa at nakiisa rin sa Simbang Gabi ang mga opisyal ng Philippine Embassy na pinangunahan ni Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West.

Dinayo rin ng mga Pilipino sa Paris ang food festival at Christmas market sa Fort d’ Aubervilliers na inorganisa naman ng samahang Petite Manille.

Patok naman ang mga pagkaing Pilipino tulad ng barbecue, taho at ang mainit na lugaw na tamang-tama naman dahil sa malamig na panahon.

May parol making at may live Pinoy band na kumanta ng OPM hits, habang may dance performances din ang ilang kabataang Pinoy.

“We have Titas who are cooking homemade Filipino food, we have restaurants and it’s also a place of celebration with dance, with music,” sabi ni Leah Gonzales, founder ng Petite Manille.

May Christmas bazaar din ang Coeurs a Coeurs o Heart to Heart Association na genuine sa American Church sa Paris sa paggunita sa kanilang 10th anniversary. Kung saan bukod sa pagkaing Pilipino, makikita rin ang mga produktong locally-made ng mga Pinoy sa Paris.

Naging highlight naman ng event ang mini-fashion show. “We don’t need to be slim para magmodel, ang importante dito ay happy ka sa katawan mo, happy ka sa isusuot mo,” sabi ni Jane Souterre, President, Coeurs A Coeurs Association.

TORINO, ITALY
Sa Italya, atrakson ngayon ang nakakabighaning video mapping sa Piazza San Carlo at Palazzo Reale sa Torino.

May Christmas theme na winter na itinampok sa 360 degrees sa loob ng walong minutong palabas sa salin ng musika ng orchestra, arts at mga pailaw na sinamahan pa ng snowy landscapes ng winter at musical notes, at cubist geometries.

Nagmistulang tunay na teatro ang Piazza San Carlos kung saan pinalibutan ng video ang gilid ng mga gusali sa plaza.

“Yes, superganda at kakaiba, dito lang ‘yan sa Torino,” sabi ni Emer Renci Eugenio, OFW. Itinampok naman sa Palazzo Reale ang Christmas trees na may video mapping pa, sa ganda ng dekorasyon may kurot din ito sa mga Pinoy na ‘di nag-Pasko sa Pilipinas.

“Ako’y hindi nag-Pasko sa Pilipinas, 16 years na, sana makasama ko ang pamilya ko balang araw,” sabi ni Ma. Teresa Salvador, OFW.

COLOGNE,GERMANY
Sa Cologne, Germany, naging masaya, makulay at matao ang siyudad. Naging masigla at masaya ang Christmas markets na may iba-ibang tema at may angel at elf markets pa kung saan itinitinda sa ang iba-ibang street foods at ibang patok na pangregalo.

LONDON, ENGLAND
Patok din ang Christmas markets sa Europa, tulad na lang ng London Carnaby street, hindi nakalimutan ng "charity “ at “choose love” na paraan para makalikom ng suporta para sa refugees sa pamamagitan ng pagbili ng mga produkto kung saan nakapag-shopping ka na, nakatulong ka pa.

ATHENS, GREECE
Sa Athens, humataw sa disco ang mga Pinoy sa ginanap na Filcom Christmas party sa pangunguna ng accredited community partners.

Sa temang retro style disco fever, buong siglang nagsayawan ang mga Pinoy sa saliw ng 80’ at 90’s hits. Nagpasikat din sa kanilang performances ang iba-ibang FilCom organizations, at siyempre hindi rin nawala ang bigayan ng mga regalo.

Naging sentro naman ng atensyon ang giant Christmas tree sa mismong bahay ni Ambassador Giovanni Palec.

“It symbolizes Christ as the tree of life. Which is why most Christmas Trees are pine trees, as these are evergreen, meaning they do not change color but steadily grow bigger and bigger,” sabi ni Ambassador Giovanni E. Palec, Philippine Embassy, Athens, Greece.

Kasabay nito, mismong mga kawani rin ng embahada ang nangaroling sa kanilang pag-awit ng iba-ibang kantang Pamasko.

BARCELONA, SPAIN
Sa Espanya, ipinagdiwang sa Plaza ng Parokya Pilipino ng San Agustin, sa kauna-unahang pagkakataon ang “Navideña Filipina.” May panalangin ang iba-ibang religious groups.

Tampok din ang special Christmas numbers mula sa FilCom. May mga kumanta at sumayaw na mga kabataan at game na game rin sa pag-indak ang senior citizens.

“Masaya po dahil nagkaisa-isa ang mga Pilipino. Nakikita naman ninyo, marami pong mga Pilipino, unang simba ay punong-puno po ang ating ginanap na kasiyahan sa gabing ito,” sabi ni Gerry Fajardo, FilCom leader, Barcelona.

May pasiklaban din ng mga banda, may song numbers, mapa-solo o grupo. Umapaw din ng mga pagkaing Pilipino at higit sa lahat may bigayan ng aginaldo lalo na sa mga nangangailangan.

(Kasama ang ulat nina Jackie de Vega sa Vatican City, Bong Agustinez at Cory de Jesus sa France, Maricel Burgonio sa Cologne, Germany at Torino, Italy, Sandra Sotelo Aboy sa Spain at Raquel Crisostomo sa Belgium)
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT