Bagong buhay: Pangpiyansa, negosyo handog sa 3 inang nakulong sa tong-its | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lifestyle
Bagong buhay: Pangpiyansa, negosyo handog sa 3 inang nakulong sa tong-its

Mike Navallo,
ABS-CBN News
Published Dec 27, 2020 03:59 AM PHT
|
Updated Dec 27, 2020 02:27 PM PHT
MAYNILA - Pebrero 2020 nang mahuli ang magkakapit-bahay na 3 nanay dahil sa pagto-tong-its.

Inabutan sila ng pandemya sa piitan kaya alalang-alala sila sa naiwang pamilya.

“Sobrang hirap po. Hindi ka makatulog, iyak ka lang po nang iyak. Iniisip mo yung mga anak mo kasi maliliit pa,” ayon kay Maricar, isa sa mga nahuli.

Dahil lockdown, hirap din ang kanilang mga pamilyang asikasuhin ang kanilang paglaya.
Dahil lockdown, hirap din ang kanilang mga pamilyang asikasuhin ang kanilang paglaya.
ADVERTISEMENT
Aabutin ng isang oras ang kanilang pagbibisikleta.

“Ang layo, sobrang layo. Dumadating sa punto na nasisiraan ng bike,” ayon sa anak ng nakakulong na si Chichay.

Hindi rin nila kaya ang P30,000 piyansa na naibaba sa P15,000, sa tulong ng kanilang abogado mula sa Public Attorney’s Office.

Natulungan sila ng isang foundation matapos mapanood ang kanilang sinapit sa TV Patrol.

Sinagot ng Preso Inc. ang P10,000 mula sa buong halaga ng piyansa kaya nakalabas na rin sila.

“Ang daming nakakulong sa loob ng mga jails natin, siksikan po sila doon at maaari silang mahawa sa sakit tulad ng COVID at pangalawa, dahil na rin sa tagal ng takbo ng kaso,” ani Raymund Narag, prison reform advocate ng Preso Inc.

Tuluyan nang nakalaya noong Setyembre ang tatlo matapos aminin ang kasalanan at pagmultahin ng P1,000.

“Nagsisi talaga ako nung nahuli ako. Kasi sinabihan ako ng anak ko, Mama wag ka magtong-its. Pag-alis niya, nagtong-its ako. Lesson po sa akin yun. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong,” ayon kay Lumen, isa rin sa mga nahuli.

Sa tulong naman ng El Proveedores Foundation, nabigyan sila ng kapital na pang-negosyo.

Si Maricar, sari-saring pagkain ang paninda; balut at penoy naman kay Lumen, at nangangalakal naman si Leslie.

Nakausap ng tatlo sa unang pagkakataon ang mga nasa likod ng kanilang paglaya.

Aabot na sa 38 preso ang natulungang makalaya ng Preso Inc.

Umaasa silang marami pa ang matutulungan nilang magbagong-buhay.