Pag-inom ng alkohol, pampagana nga ba sa pakikipagtalik? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-inom ng alkohol, pampagana nga ba sa pakikipagtalik?

Pag-inom ng alkohol, pampagana nga ba sa pakikipagtalik?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 15, 2019 12:43 PM PHT

Clipboard

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.


Bagaman maaaring maging pampasigla sa pakikipagtalik ang mga inuming may alkohol, may mga negatibong epekto rin daw ang labis na pag-inom ng mga ito sa kakayahan ng isang tao na makipagtalik, ayon sa isang doktor.

"Ang misconception ng mga tao na iyong alcohol ay nagpapasigla, tinatawag na uppers. Actually ang alcohol is a downer, depressant. Kaya pag nasosobrahan ka ng alcohol, inaantok o bigla ka na lang matutulog," sabi ng urologist na si Samuel Yrastorza sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Yrastorza, sa una lamang nagdudulot ng gana sa pakikipagtalik ang pag-inom ng mga produktong may alkohol gaya ng alak at serbesa.

Pero maaaring mawalan ng gana ang isang tao na makipagtalik kapag sobra ang ininom na alkohol dahil sa epekto ng alkohol sa utak.

ADVERTISEMENT

"Feeling mo 'yong alcohol nagpapalakas sa'yo, parang nawawala iyong hiya mo, inhibition mo, doon lang sa part na iyon... 'Pag nasobrahan na, nadi-depress na 'yong function ng brain, hindi na niya nasasabi doon [patungkol sa sensitibong bahagi ng isang lalaki], 'Hoy, tumayo ka,'" ani Yrastorza.

"Kailangan may gana, na nae-excite ka. Paano ka mae-excite kung inaantok ka?" dagdag ni Yrastorza.

Ayon kay Yrastorza, base raw sa pag-aaral, ang mga alcoholic o ang mga taong lulong sa pag-inom ng alkohol ay nawawalan ng gana sa pakikipagtalik at nagkakaroon ng problema sa ejaculation.

Ejaculation ang tawag sa panahong nilalabasan ng semilya o seminal fluid ang isang lalaki.

"'Pag 'yong mga alcoholic... unang naapektuhan is nawawalan ng gana sa sex, nawawala 'yong libido, 'yong kaniyang excitement sa sex," ani Yrastorza.

"Nahihirapan tumayo [ang ari], nahihirapan i-maintain o kulang sa tigas," paliwanag ng doktor.

May mga tao raw na umiinom ng alak para matagal bago mag-ejaculate pero kapag nasobrahan at nawalan ng gana ay hindi na nakakapag-ejaculate, sabi ng doktor.

"Maganda for others kasi in a controlled amount, mas tumagal lang to a certain extent na 'yon 'yong gusto nila," ani Yrastorza.

"But 'pag nasobrahan ng alcohol, maaari namang tumagal na ayaw na nilang ganoon katagal, masyadong matagal o hindi na mismo nangyayari, hindi na nakakapag-ejaculate."

Hindi naman daw nakakaapekto sa produksiyon ng testosterone ng lalaki ang pag-inom ng alkohol maliban na lang kung naapektuhan na nito ang kalusugan ng atay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.