Sasalubungin ang Bagong Taon sa bahay? Feng shui expert may tips | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sasalubungin ang Bagong Taon sa bahay? Feng shui expert may tips

Sasalubungin ang Bagong Taon sa bahay? Feng shui expert may tips

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 30, 2019 02:50 PM PHT

Clipboard

Bagaman may mga nagdidiwang ng bisperas ng Bagong Taon sa labas ng kanilang mga tahanan, marami pa rin ang pinipiling manatili sa mga bahay para doon salubungin ang unang araw ng taon.

Pero bago maghain ng mga pagkaing pang-Media Noche, may mga kaugaliang dapat gawin para makaakit ng suwerte sa pagpasok ng Bagong Taon, ayon sa feng shui expert na si Hanz Cua.

Ayon kay Cua, dapat sama-sama ang pamilya sa pagsalubong ng Bagong Taon sa bahay, at magsuot ng pulang damit para maitaboy ang masasamang espiritu.

"Ang bad spirits kasi 'pag nakakakita ng pula ayaw nila, natataboy sila, aayaw sila sa 'yo," ani Cua sa panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Itinuturing din umanong masayang kulay ang pula.

Kung pula ang pansalubong, masuwerteng kulay naman ng taong 2020 ang sky blue, ayon kay Cua.

Ang kulay blue ay magbibigay ng balanse sa inaasahang "mainit" na 2020, ayon kay Cua.

Ipinayo rin ni Cua ang pagbukas ng lahat ng ilaw sa bahay, kahit umano sa banyo, simula gabi ng Disyembre 31 hanggang Enero 1.

"'Yong madidilim na lugar pinamumugaran kasi ng malas," paliwanag niya.

Inirekomenda rin ni Cua na mag-general cleaning ng buong bahay sa Disyembre 30.

Lahat ng mga sirang gamit ay dapat aniyang itapon at lahat ng mga gamit ay i-organize.

Ipinayo rin ni Cua ang pag-ayos sa mga tagas sa bahay, gaya ng sa gripo.

Mainam din ang paglalagay ng maraming cash sa wallet at paglalagay ng barya sa bulsa, ayon kay Cua.

Dapat din daw punuin ang mga condiment sa bahay gaya ng asin, asukal, at toyo.

Suwerte rin umano ang pagkakaroon ng bagong gupit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Iwasan din daw na makipag-away, makipagtsismisan, at masugatan sa bisperas ng Bagong Taon.

Hangga't maaari ay iwasan din umanong magpaospital maliban na lang kung emergency talaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.