KILALANIN: Mr. Bean 'kalokalike' na namimigay ng pamasko sa mga maysakit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

KILALANIN: Mr. Bean 'kalokalike' na namimigay ng pamasko sa mga maysakit

KILALANIN: Mr. Bean 'kalokalike' na namimigay ng pamasko sa mga maysakit

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang dekada nang ini-impersonate ni Roger Ocampo ang sikat na karakter na si Mr. Bean. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

MAYNILA - Mula sa kaniyang damit hanggang sa bitbit niyang stuffed toy, aakalaing nasa Pilipinas ang sikat na karakter na si Mr. Bean, na 10 taon nang ginagaya ng 60 anyos na si Roger Ocampo.

Ayon kay Ocampo, nagsimula ang pag-i-impersonate niya nang sabihan siyang kahawig niya ang sikat na karakter.

"They are telling me na kamukha ko si Mr. Bean. May nagbiro sa akin na nilagyan ako ng nunal. Gayahin mo na lang 'kako. Pinag-aralan ko. Kasi kahit hindi pa ako Mr. Bean I was really ano with kids, talagang matulungin ako sa bata," ani Ocampo.

Tubong Cavite si Ocampo, 60, at nagtatrabaho bilang surveillance technician.

ADVERTISEMENT

Bukod sa pagpapatawa ay bumibisita si Ocampo sa mga ospital at probinsiya para pasayahin ang mga maysakit at kapospalad.

Kabilang sa mga binibisita ni Ocampo ay mga katutubong Aeta sa Pampanga.

Binigyan din niya ng aginaldo ang mga kabataan sa Cavite.

"Ipinapaliwanag ko sa mga bata, those gifts right here is not from Mr. Bean, it's from God. So you have to thank Jesus for Jesus is giving these gifts," ani Ocampo.

"Ang pinapakilala ko rito ay ang kagandahang-loob ng Diyos na nariyan Siya para ibigay ang mga pangangailangan ng mga kabataang ito. Bigayan lang sila ng simpleng ngiti, sila ay anghel na sa mata ng Diyos."

Dating seaman at taxi driver si Ocampo at naranasan niyang mawalan ng trabaho. Pero hindi niya napigilan ang kaniyang pamilya na magtabi pa rin ng ipangreregalo sa mga nangangailangan.

"Lahat tayo dumadaan diyan sa suliranin sa buhay, but never forget God, because ang sabi ng Panginoon, ask anything in Jesus' name and I will give you everything you need," ani Ocampo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.