Maraming pamilya namasyal sa bisperas ng Pasko | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maraming pamilya namasyal sa bisperas ng Pasko

Maraming pamilya namasyal sa bisperas ng Pasko

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA— Espesyal ang Pasko ngayong taon para sa pamilya nina Melanie Obina dahil matapos ang 2 taong magkakahiwalay dahil sa pandemya, makakapagsalubong sila ng Pasko nang sama-sama.

Kaya kahit galing pa ng Santa Maria sa Bulacan, pinili nilang bumisita sa Rizal Park sa Maynila na huli nilang napuntahan noong pang 2004.

“Ito po ang gustong puntahan ng mga bata, para makita ang ganda ng Luneta. Hanggang dito lang kami ng 7 [ng gabi], tapos sa bahay na ang handaan,” sabi ni Obina.

“Masaya po. Kasi buo po ang pamilya ko, hindi po hiwalay. Kasi dati, nasa Tarlac po ‘yong iba, kaya ngayon, masaya.”

ADVERTISEMENT

Sinadya ng mga magpapamilya, magkakaibigan at maging magkakasintahan na bumisita sa Luneta sa bisperas ng Pasko ngayong Sabado.

Ang ilan, gaya ni Obina, nanggaling pa sa mga probinsya at plano ring umuwi sa hapon.

Kita ang pagbabalik-sigla ng park lalo’t dumami ang kainan sa gilid nito.

Umaasa ang mga nagtitinda na dadagsa ang mga bibisita sa Pasko at Bagong Taon.

"Mamaya o bukas sigurado ‘yan, pero ngayon wala pang tao gaano kaya medyo matumal pa,” sabi ng nagtitindang si Rodolfo De Jesus.

ADVERTISEMENT

Lalong dumami ang mga bumisita sa park pagsapit ng dapithapon at gabi.

Watch more News on iWantTFC

Hindi naman pwedeng mag-Noche Buena sa Luneta dahil hanggang alas-10 ng gabi lang ito mananatiling bukas ngayong Disyembre 24 at 25.

Nasa alas-5 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi ang park house sa Disyembre 26 at 30 at Enero 1 hanggang 2, 2023.

Sa Christmas Day, libreng mapapanood ang isang open-air concert ng alas-5 ng hapon.

Pero sa pagsalubong ng Bagong Taon sa susunod na linggo, bukas ang park hanggang ala-1 ng madaling araw para bigyang daan ang isang New Year countdown concert.

Samantala, nagpalaro naman sa mga bata ang ilang pamilyang maaga ring nag-picnic sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ngayong Sabado.

ADVERTISEMENT

Sabi ng mga magulang gaya ni Realyn Distor, mas ligtas mamasyal dito kaysa sa mga mall at mas matataong lugar.

“Fresh air saka maluwag po. Ibang pasyalan naman po bukas,” sabi niya.

Pinili rin ng pamilya ni Nida Adejado na bumisita na sa bisperas ng Pasko dahil doon lang nila makakasama ang asawa niyang security guard na may pasok na sa mismong salubong sa Pasko.

“Marikina sana kami kaso masyadong maraming tao. Kaya dito na lang. Saka mas makakapaglaro ang mga bata.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.