Kornik mula Ilocos Norte patok panregalo sa Pasko | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kornik mula Ilocos Norte patok panregalo sa Pasko

Grace Alba,
ABS-CBN News
Published Dec 22, 2019 05:33 PM PHT

PAOAY, Ilocos Norte – Nakilala ang kornik bilang paboritong papakin, mapa-merienda man o inuman.

Pero sa bayan na ito, tanyag din ang naturang snack bilang panregalo sa Pasko.

Ayon kasi sa mga mamimili, patok sa kanila ang kornik ng Ilocos Norte dahil sa "magandang" packaging nito.

May ilan pang dumayo mula mga karatig-lugar para makabili ng kornik, gaya ni Joey Alcantara na taga-Ilocos Sur pa.
May ilan pang dumayo mula mga karatig-lugar para makabili ng kornik, gaya ni Joey Alcantara na taga-Ilocos Sur pa.
ADVERTISEMENT
"Napakaganda na panregalo kasi una tipid and if you want to introduce delicacies of Ilocos products to our friends, ito 'yung isang gateway to introduce our culture," ani Alcantara.

May 5 flavors ang Ilocos Norte kornik: may garlic, cheese, barbecue, hot and spicy, at sweet and spicy.

Umaabot sa P50 hanggang P100 ang presyo ng kornik products sa bayan, depende sa brand.

Pero sulit ito dahil batay sa mga gumagawa, maproseso ang pagluluto ng kornik para makamit ang sarap at tamang lutong nito.

HAKBANG
Unang papakuluan ang buto ng mais sa tubig na may apog para matanggal ang balat nito.

Glutinous white corn lang ang ginagamit na pang-kornik.

"Malagkit siya kapag nag-pop. Iyung ordinary white titigas at iitim kasi," sabi ni Lolita Piamonte, may-ari ng isang cornick store sa Paoay.

Matapos ibabad at pakuluan sa tubig na may apog, 10 beses itong huhugasan at muling papakuluan nang 8 oras.

Matapos nito, muling huhugasan ang kornik at papatuyuin nang 2 araw.

Kapag tuyo na ang mga buto, maaari na itong iprito.

Nagtatagal hanggang 8 buwan ang sarap at lutong ng kornik mula Ilocos Norte.

Ayon sa Paoay Tourism Office, nakatutulong sa kanilang turismo at sa kabuhayan ng kanilang magsasaka ang industriya ng kornik.