ALAMIN: Solusyon sa taong may problema sa pagtulog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Solusyon sa taong may problema sa pagtulog

DJ Arcon,
ABS-CBN News
Published Dec 21, 2016 11:29 PM PHT

Kinakailangan ng isang tao ang pito hanggang walong oras na tulog upang maibalik ang normal na lakas ng katawan na nawala sa buong araw na nagdaan.

Ngunit, dahil sa pagod at stress, nagkakaroon ang isang tao ng problema sa pagtulog o sleep disorder.

Sa programang "Magandang Gabi Dok" ng DZMM, pinaliwanag ni Dr. Patrick Moral, chairman ng University Hospital at dating presidente ng Philippine Society of Sleep Medicine, ang ilan sa mga sleep disorder at maaaring gawin upang maiwasan ito.

May dalawang klase ng tao batay sa kanyang sleeping habits.

ADVERTISEMENT
May mga taong maikli lamang kung matulog at sanay sa gabi magtrabaho. Ang tawag dito ay "owl." Samantala, "lark" naman ang tawag sa mga taong gustong magtrabaho sa umaga.

Para kay Dr. Moral, hindi nakakaapekto sa kalusugan kung anong oras gising ang isang tao. "Sleep can be trained as well. Nasanay ka na sa ganoong sistema."

Ngunit, maraming sanhi ang problema sa pagtulog.

"Kung bibilangin mo, mahigit 60 ang sleep disorders," sabi ni Dr. Moral. "Pero kung hahatiin mo 'yan, ang sanhi ay maaari lamang kulang o sobra sa tulog."

Dalawa sa mga nangungunang sleep disorder ay ang insomnia at sleep apnea.
Dalawa sa mga nangungunang sleep disorder ay ang insomnia at sleep apnea.
ADVERTISEMENT
Ang insomnia ay nararanasan ng mga taong hirap sa pagtulog.

Bukod sa hindi makatulog sa tamang oras, "pwede nating sabihin na natulog ka tapos nagising ka ulit hanggang sa hindi ka na makabalik sa pagtulog," ani Dr. Moral.

"Kung iisipin natin, ang pamumuhay ng tao ngayon ay 24/7 na. Wala nang tigil ang araw natin," paliwanag ng doktor sa sanhi ng insomnia.

Sa sleep apnea, nagkakaroon ng problema sa pagtulog ng isang tao dahil sa paghinto ng paghinga habang ito ay natutulog.

"Kapag tulog tayo, nare-relax ang mga muscles natin kaya nagkakaroon ng pagbabara sa daanan ng hangin," ayon sa doktor.

Dahil sa hindi maayos ang daloy ng hangin sa katawan, naaapektuhan din ang tulog ng isang taong may sleep apnea.

"Yung quality ng tulog ay pangit. Kahit walong oras pa siyang matulog, mababaw lang ang kanyang tulog," sabi ni Dr. Moral.

Aniya, isa sa maaaring magiging bunga ng sleep apnea ang palagiang inaantok o "excessive somnolence."

Samantala, mahalaga ang pagtulog lalo na sa mga bata. Ayon kay Dr. Moral, nakatutulong ito sa kanilang paglaki. "It allows for growth hormones which will be affected by sleep."

Nakatutulong din ang pagtulog sa pagpapanumbalik ng mga nasirang "cells" sa katawan.
Nakatutulong din ang pagtulog sa pagpapanumbalik ng mga nasirang "cells" sa katawan.
ADVERTISEMENT
"Ang tulog is not only a quiet stage but also restorative. Marami ang nangyayari sa katawan para ma-restore ang mga nasira sa araw na 'yun," ayon kay Dr. Moral.

Ayon sa doktor, narito ang ilan sa mga solusyon sa mga taong may problema sa pagtulog:

1. No caffeine
Ang pag-inom ng kape ay hindi talaga solusyon. Hindi kailangang labanan ang antok. "It's a biological need," ani ng doktor.

2. Power nap
Ang nap ay nakakatulong kung sapat ang haba nito.

"Kung gusto mo ng power nap, bumilang ka ng walong oras simula ng oras ng paggising," sabi ni Dr. Moral. "Ang magandang nap ay nasa pagitan ng 20-30 minuto."

3. Lights off
Maaaring makatulong sa pagtulog ang pagpatay ng ilaw upang lumabas ang melatonin. Ang melatonin ay horomone sa pineal glands na siyang kumokontrol sa pagtulog at paggising ng isang tao. Maaari ring uminom ng mga melatonin supplement kung hirap sa pagtulog.

4. Bayad utang
"Kung kinulang ka ng isang oras na tulog at naipon ito, nagko-compound ito. Lumalaki ang babayaran mong tulog," sabi ni Dr. Moral.

5. Continuous Positive Airway Pressure (CPAP)
Sa mga may sleep apnea, kinakabit sa mukha ang makinang CPAP para hindi mag-collapse ang daanan ng hangin.

Paalala ng doktor na umiiksi ang buhay ng isang tao kapag kulang siya sa tulog.

"Kapag walang tulog ang tao ng ilang araw, ikamamatay niya na 'yun," sabi ni Dr. Moral.