Mga regalo bumuhos para sa estudyanteng nagsusulat ng notes sa dahon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga regalo bumuhos para sa estudyanteng nagsusulat ng notes sa dahon

Mga regalo bumuhos para sa estudyanteng nagsusulat ng notes sa dahon

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2019 01:32 PM PHT

Clipboard

Nag-uumapaw na biyaya ang natanggap ng isang estudyante mula sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur na nag-viral noon sa social media dahil sa retratong tampok ang pagsusulat niya sa dahon ng saging.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Handog ng programang "Rated K" ang school supplies at backpack para sa Erlande Monter, na dating hinangaan ng mga netizen nang i-post ng kaniyang guro ang kaniyang retrato na nagsusulat sa dahon ng saging imbis na sa notebook.

Hindi raw kasi sapat ang kinikita ng mga magulang ni Monter para makabili ito ng mga gamit sa eskuwela, gaya ng papel.

Pero wala umanong makapipigil kay Monter para makapag-aral kaya nagbabaon siya ng saging noon para doon magsulat ng notes sa klase.

ADVERTISEMENT

Binigyan rin ng programa ng mountain bike, damit, sapatos, bigas, at Noche Buena products si Monter, at pinagbakasyon sa Britania islands sa San Agustin, Surigao del Sur.

Nakatanggap na rin ng scholarship si Monter mula sa isang pari sa Canada.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.