ALAMIN: Paano iiwasan ang mga komplikasyon ng diabetes? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Paano iiwasan ang mga komplikasyon ng diabetes?

ALAMIN: Paano iiwasan ang mga komplikasyon ng diabetes?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinatayang aabot na sa anim na milyong Pinoy ang may diabetes at pinangangambahang dumoble ang bilang na ito pagsapit ng taong 2040.

Sa programang “Good Vibes” sa DZMM, sinabi ng endocrinologist na si Dr. Aileen Grace Salalima na maaaring magkaroon nito ang mga may family history na ng diabetes o iyong may miyembro ng pamilya na mayroon ng naturang sakit, mga taong mataas ang blood pressure at cholesterol, mga sobra ang timbang, at mga sedentary ang lifestyle o hindi masyadong nag-eehersisyo.

Ayon naman sa mga eksperto, tinatawag na "silent killer" ang diabetes dahil hindi agad makikita o mararamdaman ang mga sintomas ng sakit sa simula, hanggang sa magkaroon na ng komplikasyon.

Paliwanag ni Salalima, maaaring magkaroon ng komplikasyon ang diabetes mula ulo hanggang paa dahil dumadaloy ang dugo sa buong katawan.

ADVERTISEMENT

“Ang ating katawan, alam naman natin na mula ulo hanggang paa may dumadaloy na dugo. So ang normal na consistency ng blood sa ating katawan ay dapat kasing-labnaw lamang ng tubig. So imagine if you have a glass of water, and then you put sugar sa ating isang baso ng tubig, the more sugar that you put in that glass of water, mas lalapot po nang lalapot ‘yung tubig na ‘yun. So gano’n po ‘yung nangyayari sa ating pasyenteng diabetic. Habang pataas nang pataas ang kanilang blood sugar, palapot nang palapot po ‘yung dugo na dumadaloy from head to foot,” paliwanag niya.

Maging ang utak aniya ay hindi lusot sa komplikasyon ng diabetes dahil may mga blood vessels na maaaring mabarahan at puwedeng maging sanhi ito ng stroke.

Bukod dito, 20% aniya ng mga may diabetes ang may katarata habang 10% naman ang mga may komplikasyon sa retina na maaaring mauwi sa pagkabulag.

“Dahil hindi maganda ‘yung daloy ng dugo sa area na ‘yun, ang nangyayari, natutuklap ‘yung retina, ‘yung tinatawag naming retinal detachment so nagko-cause po ‘yon ng panlalabo ng mata… minsan hindi naagapan, ultimately leading to blindness,” paliwanag ni Salalima.

Puwede rin aniyang mabarahan ang ugat sa puso dahil sa diabetes at mauwi sa myocardial infarction o tinatawag na heart attack.
Kung masuwerteng makaligtas mula sa heart attack, maaari pa rin aniya na magkaroon ng lamat sa puso at kapag hindi naagapan ang paglapot ng dugo, puwede itong mauwi sa heart failure.

Pagdating naman sa bato, maaari ring mabarahan ang mga ugat nito at kailanganin na ng dialysis o kidney transplant.

Karaniwang komplikasyon din na narararanasan ng mga may diabetes ang foot ulcer at matagal na paghilom ng sugat.

Ayon pa kay Salalima, immunocompromised ang mga pasyenteng may diabetes kaya madaling makasagap ng impeksiyon tulad ng urinary tract infection.

Paano ito maiiwasan?

Upang maiwasan ang komplikasyon ng diabetes, makabubuti na magpatingin sa doktor upang makontrol ang blood sugar.

“Number 1 of course is basic sugar control talaga so once you’re diagnosed with diabetes, we advise that you regularly follow-up with your endocrinologist kasi po mino-monitor every 2 o three months ‘yung blood test,” ayon kay Salalima.

Maaari aniyang i-adjust ng doktor ang oral medication o dose ng insulin base sa pangangailangan ng pasyente.

Bukod dito, makabubuti rin na patuloy na bigyan ng lunas ang pagtaas ng cholesterol at iba pang risk factors.

“Number 2 kailangan din, aside from sugar control, ‘yung other risk factors like pagtaas ng sugar or cholesterol, dapat din may mga kaukulang gamot na ibigay. Hindi puwedeng diabetes lang ang gagamutin at ibabalewala ‘yung ibang mga sakit.”

Mahalaga rin ang pag-eehersisyo sa loob ng 150 minuto sa isang linggo upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Maaari itong hatiin ng tig-30 minutong ehersisyo sa loob ng limang araw kada linggo at kahit paglakad lamang ay puwede na.

Lubhang mahalaga rin, ayon sa doktor, ang pagpili ng pagkain at paglimita sa mga carbohydrates gaya ng kanin, pasta, at tinapay.

“They should know how to choose the food they will eat and they should learn to limit the amount of the food that they eat. It’s not enough that you have medication.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.