RECIPE: Crispy kare-kare | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

RECIPE: Crispy kare-kare

RECIPE: Crispy kare-kare

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patok na patok sa mga salo-salong Pinoy ang putaheng kare-kare.

Pero maaari mo pang pasarapin ang inyong kare-kare sa pagprito ng karne nito, na tiyak na papatok bilang pang-Noche Buena.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes ang guest kusinera na si Rina Viviezca para ibahagi kung paano magluto ng crispy kare-kare.

Ihanda ang mga sumusunod na sangkap:

• 1/2 kilo pata
• 1/2 kilo beef
• 2 litro tubig
• 1 Bawang
• 2 sibuyas
• 5 kutsarang patis
• Mantika
• Paminta
• 5 kutsarang giniling na bigas
• 7 kutsarang giniling na mani
• 1 puso ng saging
• 3 talong
• 1/4 kilo sitaw
• 3 taling pechay tagalog

ADVERTISEMENT

Paraan ng pagluluto:

Palambutin ang pata at baka. Lagyan ng paminta, bawang at sibuyas.

Salain ang napalambot na karne at lagyan ng patis.

Patuyuin at i-deep fry ang pata at beef.

Palamigin at iprito ulit para lumutong.

Igisa ang bawang, sibuyas, pinaglagaan ng karne, giniling na bigas at giniling na mani.

ADVERTISEMENT

Idagdag ang 1 litro ng tubig.

Ilagay ang puso ng saging, palambutin.

Lagyan ng mani at paminta, pakuluin.

Ilagay ang talong, sitaw at pechay tagalog.

Ilagay ang crispy pata at beef.

ADVERTISEMENT

Maaari nang ihain ang crispy kare-kare.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.