Di lang tagabigay ng aginaldo: Ano ang papel ng mga ninong, ninang? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Di lang tagabigay ng aginaldo: Ano ang papel ng mga ninong, ninang?

ABS-CBN News
Published Dec 11, 2019 12:39 PM PHT

Sa panahon ngayon, tila tuwing Pasko na lang naaalala ng mga bata ang kanilang mga ninong at ninang dahil sa mga aginaldong inaasahang ibibigay ng mga ito.

Pero hindi pagbibigay ng mga regalo ang pangunahing tungkulin ng mga ninong at ninang kundi ang magsilbing mga "co-parent" o katuwang ng mga magulang sa pag-alaga sa mga bata, ayon sa isang eksperto.

"Co-parent ang ninong. Magulang din naman sila. Ang pagkakaiba lang, hindi sila (mga inaanak) nakatira sa atin," anang sociologist at pop culture expert na si Jimmuel Naval sa programang "Sakto" ng DZMM.

Sa pagkakataon ding mawala ang mga magulang ng bata, ang ninong at ninang na ang mag-aalaga sa bata, ayon kay Naval.
Sa pagkakataon ding mawala ang mga magulang ng bata, ang ninong at ninang na ang mag-aalaga sa bata, ayon kay Naval.
ADVERTISEMENT
Nakagawian na rin ngayon ang pagkuha ng mga ninong at ninang na kasing edad o mas bata sa magulang pero ayon kay Naval, noon ay dapat mas matanda sa mga magulang ang ninong at ninang.

"Dapat mas matanda sa mga magulang para magabayan kasi gabay ang hinahanap dito eh, sa mga bata magpapayo," paliwanag ni Naval.

"Eh kung 'yong bata nakakapaggabay, okay lang," dagdag niya kaugnay sa bagong pag-uugaling pagkuha ng mga batang ninong at ninang.

Pangalawa lamang daw sa prayoridad ng mga ninong at ninang ang pagbibigay ng mga materyal na bagay — gaya ng mga damit o pera — sa mga bata, ani Naval.

Sa Kristiyanismo, nagkakaroon ng mga ninong at ninang ang isang bata sa binyag nito.

Pero nilinaw ni Naval na ang ibang relihiyon ay may sariling konsepto rin ng godparents o pagkakaroon ng ninong.