Laruan vs pera: Ano ang mas magandang iregalo sa bata? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Laruan vs pera: Ano ang mas magandang iregalo sa bata?

Laruan vs pera: Ano ang mas magandang iregalo sa bata?

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 06, 2019 05:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa mga karaniwang dilemma ng mga magulang, mga ninong at ninang tuwing kapaskuhan ay kung alin sa laruan o pera ang mas akmang iregalo sa bata.

Para kay Badette Araullo, isang speaker at miyembro ng MUMs Club, isang support group para sa mga ina, edad at interes ang ilan sa mga maaaring maging basehan ng pagreregalo sa bata.

"Kapag medyo bata pa from toddler to 7-years old, toys talaga gusto nila," ani Araullo sa programang "Sakto" ng DZMM.

Kapag lumagpas na sa 7 taong gulang, kadalasan daw ay nahihilig na ang bata sa pera o ibang materyal na bagay, ayon kay Araullo.

ADVERTISEMENT

"'Yong medyo may isip na, papunta na sa teens, pera na [ang gusto]," aniya.

"'Yong iba naman, for those na mahilig sa books, books talaga," dagdag niya.

Mga damit, sapatos, at gadget naman ang kinahihiligan ng mga teenager, ani Araullo.

Sinabi rin ni Araullo na hindi naman kailangang mamahalin ang iregalo sa bata lalo kung kapos sa pera.

Kung kulang o walang budget pambili ng regalo, mas mainam umanong ipaliwanag sa bata kung bakit hindi magarbo ang regalo.

Puwede rin daw bumawi sa bata sa ibang paraan gaya ng paglaan ng oras para maka-bonding sila.

"Sila naman naiintindihan nila," ani Araullo.

"Ang ginagawa ko na lang, talagang nagse-spend ako ng time with them (mga bata) kapag kunwari walang budget for expensive toys," aniya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.