Mga Pinoy kaniya-kaniyang pakulo 20 araw bago ang Pasko | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy kaniya-kaniyang pakulo 20 araw bago ang Pasko

Mga Pinoy kaniya-kaniyang pakulo 20 araw bago ang Pasko

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 05, 2021 07:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kaniya-kaniyang pakulo ang mga Pinoy sa iba’t ibang probinsya sa paglalagay ng mga palamuti, 20 araw bago ang Pasko.

Larawan mula kay Mercy Ann Gorembalem Orio.
Larawan mula kay Mercy Ann Gorembalem Orio.

Dinarayo ng ilang mga bisita ngayon ang public plaza at ang harap ng munisipyo ng bayan ng Palapag sa Northern Samar matapos buksan sa publiko.

Pinuno ng mga nagniningning na mga ilaw ang mga istruktura sa plaza kasama ang mga puno.

May mga makikita ring mga Christmas decor kagaya ng mga parol, Christmas tree, Christmas angels at hindi rin mawawala si Santa na tiyak na kinagigiliwan ng mga bata.

ADVERTISEMENT

Taunan itong ginagawa ng lokal na pamahalaan para sariwain ang diwa ng kapaskuhan kahit may mga pagsubok na kinahaharap ang mga tao.

Sa Disyembre 15, madadagdagan pa ang mga mabibisita ng tao dahil mayroon ding mga dekorasyon pamasko ang simbahang Katoliko doon na bubuksan din sa publiko.

Larawan mula sa Davao City Government.
Larawan mula sa Davao City Government.

Pinailawan na rin ang mga Christmas decoration sa iba't ibang government offices sa Davao region.

Lumiwanag ang buong Davao City government compound nitong Biyernes ng gabi nang pinailawan ang mga palamuting pampasko.

Napuno sa mga pailaw ang mga gusali ng lokal na pamahalaan pati na ang mga puno sa paligid.

Wala ang nakasanayang higanteng Christmas tree, lalo't nais ng lokal na pamahalaan ng isang simpleng Pasko ngayong may pandemya pa rin.

Hudyat din ang Christmas lighting ceremony sa mga aktibidad para sa Pasko Fiesta sa Davao na isasagawa sa online platforms. Aabot sa P200,000 cash prize ang ipamimigay sa mga lalahok na Dabawenyo.

Sa Tagum City Hall sa Davao del Norte, ramdam na rin ang "Christmassy" vibe dahil sa mga nakakaliw na dekorasyon na inilagay ng mga government employee sa iba't ibang opisina.

Sa bayan ng Nabunturan sa Davao de Oro, umarangkada ang buwan ng Disyembre sa pagpapailaw ng kanilang higanteng Christmas tree at mga dekorasyon sa municipal hall grounds.

Layunin ng pamahalaang lokal doon na ipaalala sa mga mamamayan na mayroon pa ring liwanag at pag-asa sa kabila ng mapait na sitwasyon dulot ng pandemya.

Sa Mati City, Davao Oriental, atraksyon naman ang iba't ibang uri ng higanteng parol na nakasabit sa mga bintana ng city hall.

Larawan mula kay Marvin Baloloy.
Larawan mula kay Marvin Baloloy.

Isang Christmas village naman ang binuksan sa publiko ng isang private hotel and resort sa bayan ng Sto. Domingo, Albay.

Agaw-pansin sa Christmas village ang isang 60-feet giant Christmas tree kung saan nakabibighani ang ningning ng mga ilaw nito.

May "Christmas Tree Forest" din kung saan makikitang nakahilera ang nasa 20 Christmas trees na may iba't ibang laki at disenyo.

Karamihan sa mga inilagay na Christmas tree ay gawa sa mga sanga ng punong-kahoy na pininturahan ng puti at nilagyan ng mga ilaw.

Hindi rin mawawala ang tradisyunal na Belen.

Tampok din ang Snowflake Tunnel, Light Tunnel, Santa's House, Santa's Sleigh, at marami pang iba.

Ayon kay Katherine Evangelista, Operations Manager ng kumpanya, karamihan sa mga ginamit nilang materyales sa Christmas village ay recycled at upcycled materials.

"On-going pa po kasi ang construction nitong hotel and resort. Next year pa talaga yung opening. So, we just looked around sa aming construction site. Tiningnan namin kung ano yung mga re-usable and discarded materials na pwede pa namin magamit like yung mga bakal as frames for the Christmas tree and for the other displays,” ani Evangelista.

“We just want to maximize din our property kasi sayang naman. Just to give happiness and enjoyment din sa mga tao since we are still in the pandemic and yung mga tao medyo agitated na," dagdag pa niya.

Bukas ang Christmas village magmula alas-3 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.

Nasa P20 ang entrance fee sa mga bata at P50 naman sa mga matatanda.

Mahigpit na ipinatutupad sa loob ng Christmas village ang pagsuot ng face mask at ang physical distancing.

—May ulat nina Hernel Tocmo, Ranulfo Docdocan, at Karren Canon

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.