Balut, penoy maaaring magdulot ng sakit sa puso | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Balut, penoy maaaring magdulot ng sakit sa puso

ABS-CBN News
Published Dec 02, 2019 03:41 PM PHT

Abot-kaya at nabibili kung saan-saan ang balut at penoy, na ilan sa mga paboritong pampalipas-gutom ng maraming Pilipino.

Sa kabila ng pagiging patok ng balut at penoy sa panlasang Pinoy, nagbabala ang isang eksperto dahil maaari raw magdulot ng mga sakit sa puso ang labis na pagkain sa mga ito.

Mataas kasi ang sodium content o alat at kolesterol na taglay ng balut at penoy, na nagdudulot ng mga komplikasyon sa puso, ayon sa nutritionist-dietitian na si Sharmaine Esteban.

"Kapag napadami 'yong kain mo sa isang kainan, maaari kang makaramdam ng pagkahilo, pananakit ng batok," ani Esteban sa programang "Salamat Dok."

ADVERTISEMENT
Bagaman parehong galing sa itik, ang balut ay may sisiw sa loob habang ang penoy ay wala nito.

Dahil sa sisiw, may purine content ang balot na nagpapataas ng uric acid at maaaring magdulot ng gout, ayon kay Esteban.

Isang pirasong balot lang ang inirerekomendang kainin kada araw.

"'Yong sisiw, doon nakukuha 'yong pagtaas ng uric acid dahil kumpleto 'yong internal organs ng sisiw, 'yon 'yong nagko-contain ng purines," aniya.

Gayunman, hindi nangangahulugang wala nang mabuting naidudulot sa kalusugan ang pagkain ng balut at penoy.

Mayaman ang balut at penoy sa protina na mainam sa pabuo ng muscles, at calcium na pampatibay ng buto, ayon kay Esteban.

Mayroon din itong mga bitamina at mga mineral, gaya ng phosphorus.