Magkapatid sa Dumaguete, parehong No. 1 passer sa kani-kanilang board exams | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkapatid sa Dumaguete, parehong No. 1 passer sa kani-kanilang board exams

Magkapatid sa Dumaguete, parehong No. 1 passer sa kani-kanilang board exams

Raffy Cabristante,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 01, 2022 11:24 AM PHT

Clipboard

Nakuha ni Abigail Ramirez ng Dumaguete City (kaliwa) ang pinakamataas na marka sa Nov. 2022 Nurse Licensure Examination. Sinundan niya ang kapatid na si Alec Benjamin (kanan) na naging No. 1 passer rin sa Geologist Licensure Examination noong 2017. Photos courtesy of Abigail Ramirez and DuScian Gateway
Nakuha ni Abigail Ramirez ng Dumaguete City (kaliwa) ang pinakamataas na marka sa Nov. 2022 Nurse Licensure Examination. Sinundan niya ang kapatid na si Alec Benjamin (kanan) na naging No. 1 passer rin sa Geologist Licensure Examination noong 2017. Photos courtesy of Abigail Ramirez and DuScian Gateway


MANILA — "It runs in the blood," wika nga.

Masaya ngayon ang pamilya Ramirez ng Dumaguete City, Negros Oriental matapos maging topnotcher ang kanilang bunso sa katatapos lang na November 2022 Nurse Licensure Examination.

Lumabas na No. 1 passer si Abigail Ramirez ng St. Paul University Dumaguete (SPUD) sa naturang pagsusulit matapos siyang makakuha ng rating na 90 percent.

Ani Abigail, inspirasyon daw niya ang kanyang kuya na si Alec Benjamin na No. 1 passer rin sa Geologist Licensure Examination noong Nobyembre 2017.

ADVERTISEMENT

"I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way. Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation," sabi ni Abigail sa wikang Cebuano.

Lumaki si Abigail sa isang pamilya ng mga "achiever," at mula pa noong elementarya ay consistent honor students na raw silang magkakapatid.

Nagtapos bilang magna cum laude ngayong taon si Abigail sa SPUD, habang nagtuturo naman ngayon ang kanyang kuya sa National Institute of Geological Sciences (NIGS) ng University of the Philippines (UP) Dilliman.

Dagdag pa ni Abigail, "naturally gifted" umano si Alec dahil likas na raw itong matalino.

"Even when we were little, our parents supported our academics," aniya.

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Abigail, malaking tulong ang pagdarasal sa kanyang paghahanda sa nursing board exam.

"Non-negotiable po talaga ang prayer. So even after the examinations, while waiting, we still continued to pray as a group via Discord."

Sa ngayon, plano ni Abigail na magturo sa SPUD bilang clinical instructor bilang pagtatanaw ng utang-na-loob sa kanyang alma mater.

"Nursing is really a hard profession. It may break you a couple of times. But just the process, trust the hardships that you are going to face, because these will help you become stronger," payo ni Abigail sa mga nais kumuha ng kursong nursing.

"Have faith in God and trust in God. Offer everything to Him. Whenever you're down, whenever you feel like giving up, just pray. God will answer all your prayers in one way or another," dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.