Horror house sa Dapitan, nagbabalik matapos ang 2 taon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Horror house sa Dapitan, nagbabalik matapos ang 2 taon

Horror house sa Dapitan, nagbabalik matapos ang 2 taon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Muling binuksan sa publiko ang kilalang horror house sa Dapitan matapos itong naisara ng mahigit dalawang taon dahil sa pandemya.

Agad pinilahan ito ng mga horror enthusiasts dahil kilala ito na kinatatakutang horror house ng Mindanao.

Sa muling pagbubukas nito, mas ni-level-up pa ang dating nakakatakot na Casa Encantada sa Glorious Fantasyland.

“It’s about time then na para ma-challenge din natin ang mga audience natin and at the same time, of course, naghahanap din sila ng mga panibagong thrill so kailangan na we really try to push the level ngayon. Lahat talaga pinaghirapan namin lahat. Marami pa tayong madedevelop as we go along. Ito, patikim pa lang ‘to,” sabi ng designer na si Richard Somez.

ADVERTISEMENT

Kaya’t hindi na nagpahuli si Joy Paica kasama ng kaniyang mga pinsan sa pagpila para makapasok sa horror house na bumyahe pa mula Oroquieta City.

“We went here for Snow World and the other attractions but the horror house is like an added bonus. We are actually very excited to go inside. We’ve been enjoying the other ride as well and we’re ending our day with the horror house,” ani Paica.

Sa paligid ng bahay makikita ang mga nakakatakot na itsura ng mala-higanteng mga estatuwa na animo’y nakabantay.

Magsisimula ang kaba at takot pagpasok ng Casa Encantada.

Halos walang makita pagpasok ng bahay dahil sa malabong ilaw pero agad mapapansin ang lumulutang na babae sa higaan na nakasuot ng puting damit.

At habang naglalakad ka para maghanap ng daan palabas ng bahay biglang sasalubong ang isang manananggal.

May parte ng bahay na biglang sisikip ang daanan at makikita ang mga naggagalawang manika na nakakatakot ang itsura na para ba’ng tatalon mula sa kinalalagyan nito.

Sa isang parte pa ng bahay matatagpuan ang isang hologram ng mga may-ari ng Casa Encantada ngunit biglang iikot ang kani-kanilang mga ulo at makikita rin sa kanilang likoran ang isang babaeng lumilipad.

Sa parehong lugar matatagpuan din ang bangkay ng isang babae katabi nito ang isang gumagalaw na kalansay.

“Very creative po. Ang daming parts na scary talaga siya. Tapos may a lot of surprises talaga ‘yong every corner is really scary," sabi ng bisitang nakalabas ng Casa Encantada na si Jane Robisho.

Sa Casa Encantada masusubukan ang tapang kung paano lalabas ng ligtas sa bahay sa loob ng 8 hanggang 10 minuto na pakikipaglaban mula sa mga matatagpuan at masasalubong na mga maligno.

-- Ulat ni Dynah Diestro

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.