'Pag tambak ang gawain, paano pipiliin ang dapat unahin? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pag tambak ang gawain, paano pipiliin ang dapat unahin?

ABS-CBN News
Published Nov 12, 2019 04:58 PM PHT
|
Updated Nov 12, 2019 05:31 PM PHT

MAYNILA - Hindi naiiwasan kung minsan ang matambakan ng mga dapat gawin sa isang araw.

Marami man ang mga gawain, may paraan para malaman kung alin sa mga ito ang dapat unahin, ayon kay Giselle Barrion, isang management consultant.

Isa rito ang paghahati nang naayon sa "four quadrants" ng tanyag na consultant at may-akda ng "7 Habits of Highly-Effective People" na si Stephen Covey.

Nasa unang quadrant ang urgent at importanteng bagay, o iyong mga importanteng kailangang gawin agad.
Nasa unang quadrant ang urgent at importanteng bagay, o iyong mga importanteng kailangang gawin agad.
ADVERTISEMENT
"'Yung, for example, 'yung email ng boss mo kailangan attend-an mo kaagad iyon eh... 'Yung sasabihin niya: "I need it now." [Tasks that are] urgent and important," ani Barrion sa programang "Sakto" ng DZMM nitong Martes.

Nasa ikalawang quadrant naman ang mga importanteng bagay na hindi naman kailangang madaliin.

"Ito 'yung, for example 'yung plannings, strategic planning sa business, relationships sa family. Importante iyan. Pero ayun nga not urgent siya," ani Barrion.

Pasok naman sa ikatlong quadrant ang mga bagay na kailangang matugunan agad pero hindi naman ganoon kaimportant, gaya ng mga meeting na kinakailangang naroon para lang sa simpleng komento.

"For example naka-receive kang call para sa isang meeting. Pero hindi siya ganoong kaimportant. Isa ka lang sa members na pinapapunta to get your opinion on something pero hindi mo na talaga kailangan pumunta," ani Barrion.

Nasa ikaapat naman na quadrant ang mga hindi importante at hindi urgent na plano, ayon kay Barrion.

"Ito 'yung gaya ng tsismis, loitering, magkikilay," aniya.

Ayon kay Barrion, dapat unahin ang mga gawaing naka-classify sa quadrant 2 para maiwasang magkaroon ng tasks na pasok sa quadrant 1.

"Kasi hindi iyan mag-e-escalate to urgent 'pag nagawa mo nang maaga. Kaya ka lang nagkaroon ng quadrant 1 kasi 'pinrocrastinate' mo. It's because hindi mo siya nagagawa na days noong hindi pa urgent," paliwanag ni Barrion.