ALAMIN: Benepisyo, peligro sa kalusugan na dulot ng bulalo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Benepisyo, peligro sa kalusugan na dulot ng bulalo

ALAMIN: Benepisyo, peligro sa kalusugan na dulot ng bulalo

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samu't saring gulay na sinamahan ng shank ng baka at binuhusan ng mainit na sabaw. Sa taglay nitong mga sangkap, sino ba naman ang hindi mapapa-oo kapag inalok na kumain ng bulalo?

Bukod sa sarap, mayroon ding mga sustansiyang taglay ang bulalo na nakabubuti sa kalusugan ng tao, ayon sa mga eskperto at mga pag-aaral.

Ang paghihigop ng bulalo ay makatutulong para labanan ang pamamaga at pananakit ng joints o kasukasuan ng tao, ayon sa pag-aaral na isinagwa ng American Chemical Society na inilathala noong Enero.

Ang mga gulay na sahog sa bulalo ay mayaman umano sa bitamina, fiber, at carbohydrates.

ADVERTISEMENT

"'Yong bulalo kasi consists of different types of gulay, such as leafy vegetables, mayroon din siyang string beans so mayroon siyang protein," sabi ng nutritionist-dietitian na si Angela Rosario Garganta sa panayam ng "Salamat Dok."

"Bukod doon sa gulay, ini-insert-an din natin siya, 'yong iba saba, corns for carbohydrates as well," dagdag niya.

Isa sa mga paborito sa bulalo ay ang nakatatakam na utak o bone marrow na nasa loob ng buto.

Pero ipinayo ni Garganta na hinay-hinay lang sa pagkain ng bone marrow dahil mataas ang taglay nitong kolesterol, na puwede umanong magdulot ng peligro sa kalusugan gaya ng mga sakit sa puso.

"Doon concentrated 'yong cholesterol eh kapag nasobrahan naman tayo ng amount ng cholesterol, doon siya nagiging bad," paliwanag ni Garganta.

Ilan sa mga kondisyong maaaring idulot ng sobrang kolesterol ay hypertension, ani Garganta.

Ipinayo rin ang pagkain ng bulalo nang isang beses kada buwan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.