Sitsirya na gawa sa prutas at gulay, ibinida | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sitsirya na gawa sa prutas at gulay, ibinida

Sitsirya na gawa sa prutas at gulay, ibinida

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 03, 2017 12:50 AM PHT

Clipboard

Sa mga mahihilig sa kutkutin pero isinasaalang-alang ang kalusugan, ibinida sa isang probinsiya ang mga sitsiryang gawa sa prutas at gulay.

Samu't saring prutas at gulay gaya ng pechay, repolyo, zucchini, carrots, at saging ang ginagawang chips sa Simone's Original Snacks sa Bolinao, Pangasinan.

Dumadaan ang mga ito sa dehydration process o pagpapatuyo ng pagkain nang hindi natatanggal ang nutrient content.

“Ang ginagawa po ng dehydrated processed food ay tinatanggal lang po ang moist o water content ng food pero nire-retain niya po ang nutrient content ng food na natural na pong nasa prutas o gulay na kinakain natin,” kuwento ni Joana Ledesma ng Simone's Original Snacks.

ADVERTISEMENT

All-natural ito at wala pang preservatives kaya naman puwede itong gawing paraan para ipakilala ang mga prutas at gulay sa mga bata na pihikan sa pagkain.

Kuwento ni Ledesma, naging health-conscious siya nang maging nanay pero wala raw siyang mabiling masustansiyang sitsirya para sa mga anak.

Kaya naman sinimulan na na lang ang paghahanda ng mga sitsiryang masustansiya na, tiyak ding patok sa panlasa ng bata at maging matanda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.