Mga namatay na aso, pusa inalala sa pet cemetery sa Albay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga namatay na aso, pusa inalala sa pet cemetery sa Albay

Mga namatay na aso, pusa inalala sa pet cemetery sa Albay

ABS-CBN News

Clipboard

Contributed photos.
Contributed photos.

Inalala ang mga namatay na alagang aso at pusa ngayong Lunes sa pet cemetery ng isang farm sa Daraga, Albay.

May mangilan-ngilang bumisita umaga pa lang sa puntod ng kanilang mga alagang hayop. Nagtirik ng kandila, at nag-alay ng bulaklak at dasal ang ilang pet owners.

"Mahalaga na mabisita natin sila kahit ngayong Undas kasi ang mga alaga po nating hayop ay naging bahagi rin ng ating buhay at pamilya. Napamahal na din sila sa atin," ani Flored Medina, isang pet owner.

"Like itong aso namin na si Cass, binigyan namin ng disenteng buhay mula ng ipinanganak hanggang sa namatay. Kaya nga ginusto pa rin namin na disente ang pagpapalibing sa kanya," sabi niya.

"Dahil alam namin na magiging masaya siya sa isang magandang lugar o libingan. Opo, iba ang tao sa hayop, pero hindi mag-iiba ang pagmamahal ng tao sa hayop lalo na ang pagiging loyal ng aso sa kanyang amo. Ang masasayang alaala ng alaga namin na si Cass ay yun ang hindi mababayaran ng kahit anumang halaga."

ADVERTISEMENT

Ngayong taon lang binuksan ang naturang pet cemetery sa farm.

"Actually, naglagay kami nitong pet cemetery nung namatay yung dog ng anak ko na si Liki. Nakita ko kasi na sobrang lungkot ng anak ko, and wala akong ibang maisip na way to comfort her except to offer her a decent place for her pet," ani Harry Llaguno, may-ari ng farm.

"At first, sabi ng iba, parang hindi maganda na lagyan ng cemetery itong farm kasi nga marami na talagang namamasyal dito sa farm plate. Eh for me naman, wala akong nakikitang masama. In fact, mas maipapakita nga dito yung pagrespeto natin sa pet animals kahit patay na. At ito yung unang pet cemetery dito sa Bicol. Dapat may maganda pa rin lugar ang pets kahit patay na kasi naging parte din sila ng buhay at pamilya natin," dagdag pa niya.

Bukas ang pet cemetery simula alas-9 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

- Ulat ni Karren Canon

MULA SA ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.