TINGNAN: Kandila sa niyog, patok na produkto sa Laguna | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Kandila sa niyog, patok na produkto sa Laguna

Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Nov 01, 2017 01:14 PM PHT
|
Updated Nov 01, 2017 01:43 PM PHT

Kakaibang candle-holder o lagayan ng kandila ang pinagkakaabalahang likhain ng ilang residente mula sa Biñan City, Laguna.

Sa pampang sa isang bahagi ng Laguna de Bay matatagpuan ang isang kubol na nagsisilbing pagawaan ng tinatawag na "kandila sa bunot."

Mismong mga tauhan ng Bantay Lawa ng lungsod ang gumagawa ng produkto.

"Habang kami'y naka-duty rito sa dagat may pinagkakakitaan kaming extra para doon sa candle holder na nilalagay sa bunot," ani Gil Reyes, team leader ng Bantay Lawa sa Biñan.

ADVERTISEMENT
"Ang bunot kasi madaling hanapin. Ang bunot ng niyog diyan lamang sa mga backyard, mayroon kaming makukunan,"dagdag ni Reyes.

Para mabuo, kinakailangan munang biyakin ang bunot ng niyog at tanggalin ang laman nito.

Patutuyuin muna ito sa ilalim ng araw at lilinisan, bago lagyan ng resin sa ibabaw at patungan ng puting cellophane.

Lilihain ang tagiliran nito at kukulayan ng barnis para mas maging maganda.

Sunod namang tutunawin ang mga gamit na kandila.
Sunod namang tutunawin ang mga gamit na kandila.
ADVERTISEMENT
Kapag bahagyang nabuo na ang wax, puwede nang ilagay ang mitsa ng kandila.

Kuwento ni Reyes, kaniya-kaniyang trabaho sila ng mga kasamahan sa Bantay Lawa.

Sinisimulan pa lang palaguin ang paggawa nitong produkto na sa pagtagal ay nais gawing pangkabuhayan ng mga residente rito.