Rizal artworks ibinida ng mga Pinoy artists sa London | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rizal artworks ibinida ng mga Pinoy artists sa London

Joefer Tacardon | TFC News United Kingdom
Published Oct 31, 2023 06:23 AM PHT
|
Updated Oct 31, 2023 06:22 PM PHT

LONDON - Pinasinayaan kamakailan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Bong Go ang art exhibition sa London bilang pagpupugay kay Dr. Jose Rizal na inorganisa ng Sentro Rizal sa London at Philippine Embassy sa United Kingdom sa pakikipagtulungan ng One East Asia Gallery sa Singapore.

Pinamagatang "Dancing With Glory," tampok sa art exhibition ang mga likha ng mga visual artists mula sa Pilipinas. Dumalo rin sa pagbubukas ng exhibition ang mga opisyales at kawani ng embahada sa pangunguna ni Philippine Ambassador Teodoro Locsin, Jr. at ang Filipino community mula sa iba-ibang sector.

“Filipino artists are dedicated artists. They are broad-minded. If you look at Filipino art, it's so much Filipino in them. So that's why when we take the art in London, we are invading London with our art and culture,” sabi ni Daniel Komala, founder, One East Asia-Singapore.

Napapanahon ang tema ng exhibit lalo na't ginugunita ngayong taon ang ika-120 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.

Gamit ang iba-ibang medium, isinalin ng mga pintor sa kanilang obra ang ilang paksa tulad ng naging buhay ni Rizal sa Dapitan, ang pag-iibigan nila ni Josephine Bracken at si Rizal bilang Pambansang Bayani.

Labing-isang isang pintor mula sa hanay ng bagong henerasyon ng Filipino visual artists ang lumahok sa exhibit tulad nina Abi Dionisio, Demi Padua, Ezekiel Fajardo, Isko Andrade, Jayson Cortez, Reyna Raymunda, Welbart Slowhands, Ejem Alarcon, Aldrine Alarcon, Didier Alarcon at Luke Alarcon.

“This is our first time in London. It's a very unique experience as artist na makalabas lalo pa rito sa London na very rich ang kanilang culture and arts dito,” sabi ni Abi Dionisio, visual artist.

“Ang aking trabaho ngayon na nandito ang pamagat ay the “Stoic Rizal.” Natutuwa ako kasi si Jose Rizal, although na-exile siya sa Dapitan. nagpakabuti pa rin siya sa buhay niya kahit alam niya na anytime ay ipapatay siya ng mga Kastila,” sabi ni Welbart Slowhands/ Joel Bartolome, visual artist.

Hangad ng mga visual artists na mapansin at mabigyang halaga, hindi lang ng mga banyaga ang kanilang mga likha kundi mismo ng mga Pilipinong pinag-aalayan nila ng kanilang talento at sining.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT