Pinoy artists wagi sa XIV Florence Biennale | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy artists wagi sa XIV Florence Biennale

Pinoy artists wagi sa XIV Florence Biennale

Mye Mulingtapang | TFC News Italy

 | 

Updated Nov 09, 2023 11:52 AM PHT

Clipboard

FLORENCE - Ibinida ng halos dalawampung Filipino artists ang kanilang mga obra maestra sa Florence Biennale na nilahukan ng mahigit 600 artists mula sa 85 bansa na ginanap mula October 14 hanggang 22.

Ang Florence Biennale ay pagdiriwang ng sining at arkitektura, na sumesentro sa mga temang pampulitika at kasalukuyang mga isyu sa kultura at lipunan sa pamamagitan ng pagtatanghal, iskultura, instalasyon at likhang sining.

1
Dale Bagtas

Nakatuon sa mga konsepto ng indibidwal at kolektibong pagkakakilanlan ang Florence Biennale ngayong taon na may iba't ibang pilosopikal, sikolohikal, sosyolohikal at kultural na kahulugan.

Wagi si Dale Bagtas ng silver award sa Viewers Choice Award Category at pang-apat na pwesto sa Mixed Media Category para sa kanyang obra na Redemption of Humanity.

ADVERTISEMENT

Pagmamahalan, pagkakaisa, pagpapahalaga sa kultura at relihiyon, at pag-asa ang tema ng obra ni Bagtas.

2
Dale Bagtas

“Yung makatungtong ka pa lang sa Florence Biennale isang malaking karangalan na para sa akin kasi bilang artist po syempre mapapakita ko sa buong mundo kung gaano kagaling yung sining ng Pilipino”, ani Bagtas.

Samantala, Special Commendation from the Jury sa New Media Art Category ang iginawad sa obra ng visual artist na si Rebie Picazo Ramoso na pinamagatang Remembering Enchantment na patungkol sa pamumuhay ng pamilyang Pilipino.

3
Dale Bagtas

“What makes Filipino art different is that we communicate our stories there is always an emotional pull meron siyang pinaghuhugutan na malalim na konteksto this is something that probably sets us from other cultures in terms of converting our art”, sabi ni Ramoso.

Ang 2021 Lorenzo Il Magnifico gold medal painting category awardee na si Michael Villagante ay nabigyan naman ng recognition award sa painting category.

4
Rebie Ramoso

Patuloy ang pagkilala sa mga Filipino artist sa maraming parte ng mundo, patunay ng 'di matatawarang husay at dedikasyon ng mga alagad ng sining.

Pero para kay Bagtas malayo pa ang maaaring marating ng mga Filipino artist kung mas higit ang suportang ibibigay ng pamahalaan.

“Ito na po yung panahon na dapat po lalo po nating suportahan yung mga Pinoy artist. dapat po ay pag-igtingin po natin yung pagkakaisa at pagtutulungan nating mga Pilipino”, sabi ni Bagtas.

Ang anyo, kahulugan, pagpapahiwatig at istilo ng mga Filipino artist ay angat sa buong mundo kaya nararapat na mas payabungin at pagyamanin pa sining at kultura sa Pilipinas ayon kay Ramoso.

Ang kakulangan sa institusyonal na suporta sa sektor ng sining ang isa sa mga problemang kinakaharap ng mga artist kagaya niya.

“If there is a stronger support from particular organizations or from the government for example then we could push further the Filipino talent if we are provided the platform to spread our talent and message to the rest of the world”, sabi ni Ramoso.

5
Florence Biennale

Matapos ang Florence Biennale ay may kanya-kanyang exhibit si Bagtas at Ramoso sa magkakahiwalay na mga siyudad sa Europa.

Umaasa sila kasama ang iba pang mga kapwa artist na ang karangalan at makabuluhang pag-ambag para sa kaunlaran ng sining ang magsisilbing instrumento para sa mas maraming oportunidad at pagtugon sa mababang representasyon ng bansa sa mga prestihiyong patimpalak sa loob at labas ng bansa.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italy, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.