ALAMIN: Bakit nakararanas ng sleep paralysis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit nakararanas ng sleep paralysis

ALAMIN: Bakit nakararanas ng sleep paralysis

ABS-CBN News

Clipboard

Kinse anyos si Renzo Pamplona Polangco nang una siyang makaranas ng sleep paralysis o iyong pakiramdam na ikaw ay gising at hindi naigagalaw ang ano mang bahagi ng katawan.

"After mag-basketball practice, 'yong katawan ko talaga sobrang pagod. 'Yong pakiramdam ko noon, sobrang itim lahat," kuwento ni Polangco, 22, sa programang "Matanglawin."

"May malalim na boses na tumatawag sa pangalan ko... nag-panic ako noon kasi hindi ko talaga magalaw 'yong buong katawan," aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Madalas makaranas ng sleep paralysis si Polangco at tuwing nangyayari iyon, nakararamdam siya ng mabigat na pakiramdam sa dibdib at nakaririnig ng mga maliliit na boses.

ADVERTISEMENT

May pagkakataon ding nakita raw niya ang kaniyang sarili na nakalutang sa kisame at may nakakatakot na anyo. Nakakita rin daw siya ng babaeng maputi at namumula ang mga mata.

Ayon sa sleep disorder specialist na si Dr. Rodolfo Dizon Jr., nagkakaroon talaga ng hallucination ang mga taong nakararanas ng sleep paralysis.

"Ang sleep paralysis ay talagang isang sleeping disorder," aniya. "Puwedeng nagkakaroon ng hallucination."

Ayon kay Dizon, ang sleep paralysis ay maaaring bunsod ng hindi maayos na iskedyul ng pagtulog, kakulangan sa tulog, at stress.

Isa sa mga ginawa ni Polangco para mabawasan ang sleep paralysis ay ang pakikinig ng classical music bago matulog.

"'Yong pakikinig ng classical music is a form of relaxation. Nababawasan 'yong stress na puwedeng magsanhi ng sleep paralysis," paliwanag ni Dizon.

Para makaiwas sa sleep paralysis, ipinayo ni Dizon ang pagkakaroon ng deretso at sapat na pagtulog, at pagbawas sa stress.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.