TINGNAN: Mga artwork na gawa sa tinik ng bangus

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga artwork na gawa sa tinik ng bangus

Edward Quinto,

ABS-CBN News

Clipboard

Sikat ang Dagupan City sa mga produktong bangus, at ito ang naging inspirasyon ng 25-anyos na artist na si Jessica Lopez.

Aniya, madalas kasing itinatapon lang ang mga tinik ng isda sa deboning station kaya hinihingi niya ito at iniisipan ng paraan para maging artwork.

"Mahilig po kasi akong gumawa ng mga bago,” ani Lopez, na tatlong taon nang gumagawa ng tinik art.

Pero paano niya nga ba ginagawang obra ang mga tinik? Ayon kay Lopez, pinapa-said niya sa langgam ang laman na naiwan sa mga tinik ng bangus at saka ito ibinibilad.

ADVERTISEMENT

Kapag natuyo na, idinidikit niya sa plywood at canvass ang mga tinik. Ginagamitan niya rin ito ng wood glue para mas tumibay.

Ilan sa mga obra ni Lopez ang “Motions of Emotions” at “Tira-tirang Kapalaran,” na sumasalamin sa damdamin ng mga kabataan at mga pangyayari sa lipunan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.