Pagkaing Bicolano, bida sa restaurant sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkaing Bicolano, bida sa restaurant sa QC

Pagkaing Bicolano, bida sa restaurant sa QC

ABS-CBN News

Clipboard

Ang mag-asawang Marian at Earl Lim (harap, kanan) kasama ang mga staff ng Gata Restaurant. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Simple pero may Bicolano touch ang loob ng Gata Restaurant. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Sinantol with kamote chips. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Adobong Bicolano liempo. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

Pansit Bato Guisado. Reyma Buan-Deveza, ABS-CBN News

MANILA – Pagkaing tatak-Bicol ang tampok sa restaurant na ito sa Quezon City.

Matatagpuan lamang sa tapat ng opisina ng ABS-CBN sa Mother Ignacia ang Gata Restaurant – Flavors of Bicolandia atbp., na pagmamay-ari ng mag-asawang Marian at Earl Lim.

Laking-Bicol si Marian, samantalang mahilig namang magluto ang asawa niyang si Earl. Ani Marian, nais nilang magkaroon ng tamang representasyon ang pagkaing Bicolano sa Maynila.

“Marami nang Filipino restaurants, kaya naisip naming magtayo ng Bicolano naman para medyo flagship na rin siya ng Bicol. Kasi sa Maynila, wala masyadong representation [ang pagkaing Bicolano],” kuwento ni Marian sa panayam sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa putahe ng kanilang restaurant ay may gata, isa sa mga pangunahing sangkap sa pagkaing Bicolano. Mula sa laing at Bicol express hanggang sa kare-kare at kahit dinuguan ay malalasahan ang gata o coconut milk.

Ngunit bukod dito, nais din nina Marian at Earl na makilala ng mga taga-Maynila ang ibang pagkain mula Bicol tulad na lamang ng sinantol, o ginadgad na santol na may gata at bagoong.

Nilagyan ng mag-asawa ng twist ang kanilang bersiyon – sa halip na ulam, inihahain nila ang sinantol bilang isang dip na may kasamang kamote chips.

Isa pang patok na putahe sa Gata Restaurant ay ang adobong Bicolano liempo, na mas malapit ang lasa sa lechon kawali kaysa sa adobo.

Paliwanag ni Marian, pinapakuluan muna nila ang liempo sa suka at asin bago iprito sa bawang at sarili nitong mantika.

“Crispy siya at malasang malasa dahil sa mantika at sa bawang,” pagmamalaki ni Earl.

Para naman sa mga hindi mahilig o di pamilyar sa Bicolano food, naglagay din sina Marian at Earl ng mga Pinoy classics tulad ng sisig at caldereta.

“Kaya namin nilagay ‘yung ‘atbp.’ [sa pangalan ng restaurant namin] para hindi ma-alienate ‘yung mga taga-Metro Manila at ibang regions. Gusto naming mag-introduce nang hindi nang-a-alienate,” ani Earl.

Para sa mga naghahanap ng tunay na Bicolano cuisine o nami-miss ang pagkain ng bayang kanilang kinalakihan, punta na sa Gata Restaurant – Flavors of Bicolandia atbp. na matatagpuan sa Unit 3 The Grandia Place sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.