ALAMIN: Iba't ibang grado ng almoranas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABS-CBN News
Published Oct 24, 2016 05:32 PM PHT
|
Updated May 09, 2017 01:38 PM PHT

MANILA - Ang almoranas o hemorrhoids ay pamamaga ng mga ugat sa anus, na maaring magdulot ng hirap sa pagdumi.

Paliwanag ni Dr. Edwin Bien, isang wellness medicine doctor, kadalasang nagkakaroon ng almoranas ang isang taong nakakaranas ng constipation o matigas na pagdumi.

Maari ring maging sanhi ng almoranas ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.

Bagama't walang sintomas ang almoras, maaring makaramdam ng hapdi o sakit ang isang taong may almoranas kapag dumudumi ito.

Kung mapabayaan, maari ring mabarahan ng mga namagang ugat ang butas ng puwitan ng isang tao.

Ayon kay Bien, may iba't ibang grado ang almoranas, batay sa laki nito.

Nasa unang grado o grade 1 ang almoranas ng isang tao kung may pagdurugo matapos dumumi, ngunit walang sumusungaw na mga ugat sa puwitan.

Nasa ikalawang grado naman o grade 2 ang almoranas kung sumusungaw na ang mga namagang ugat kapag dumudumi.

Ang mga namagang ugat na kailangang itulak pabalik sa loob ng puwitan matapos dumumi ay nasa ikatlong grado, o grade 3 na almoranas.

Ang mga may ika-apat na grado o grade 4 na almoranas ay makakaranas na nang pagbabara ng mga ugat sa may butas ng puwitan.

"Ibig sabihin, malaki na po siya at kahit itulak mo na. Part of the large intestine already ay nakatodo nang palabas," ani Bien.

Bukod sa iba't ibang grado ng almoranas, mayroon ring tinatawag na internal at external hemorrhoids.

Madalas na walang sintomas ang internal hemorrhoids, maliban na lamang sa pagdurugo kapag dumudumi.

"'Yung internal, hindi mo alam. Nagkataon lang na pagdumi, may nakitang bahid ng dugo o patak ng dugo sa bowl. Most likely that is internal hemorrhoids. Wala siyang sintomas except a little bleeding kasi baka nagasgas 'yan ng matigas na dumi," ani Bien.

Ang mga taong may external hemorrhoids ay madalas na nakakaramdam ng sakit lalo na kapag dumudumi.

"'Yung sakit mas nararamdaman sa external hemorrhoid. 'Yung external hemorrhoid kasi para siyang pigsa na nandoon sa may butas na ng puwitan," ani Bien.

Ayon kay Bien, may mga taong sadyang ipinanganak na mahina ang bituka. Sa kabila nito, hindi lahat ng taong may mahinang bituka ay magkakaroon ng almoranas.

Mas madalas din umano sa mga may edad ang almoranas dahil lumalaylay na ang lining ng tiyan.

"As we age, parang muscle din natin, naglalambutan 'yung lining ng bituka natin. Lumalaylay siya. 'Yung hindi mo alam na nagse-strain ka, pupuwersahin mo siya. As you push, napu-push din ang lining," aniya.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng almoranas, payo ni Bien ang pagkain ng fiber-rich na pagkain tulad ng oatmeal, gulay, prutas, pasas at prunes. Maari ring uminom ng prune juice at iba pang fruit juice.

Dagdag pa niya, makakabuting bawasan ang pagkain ng karne kung nahihirapang dumumi ang isang tao.