RECIPE: Almondigas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: Almondigas
RECIPE: Almondigas
ABS-CBN News
Published Oct 23, 2018 12:40 PM PHT

Masarap kumain ng mainit na sabaw kapag malamig ang panahon.

Kaya naman maaari mong subukang magluto ng almondigas, o mas kilala bilang misua with meatballs para mapainit ang iyong sikmura.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ibinahagi ng guest kusinero na si Marlon Aquino kung paano lutuin ang almondigas.

Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• Misua
• Patola
• Mantika
• Sibuyas
• Itlog
• Harina
• Bawang
• Dahon Ng Sibuyas
• Patis
• Tubig
• Giniling na baboy
• Misua
• Patola
• Mantika
• Sibuyas
• Itlog
• Harina
• Bawang
• Dahon Ng Sibuyas
• Patis
• Tubig
• Giniling na baboy
ADVERTISEMENT
Paraan ng pagluluto:
Sa isang lalagyan, pagsama-samahin ang giniling na baboy, harina, itlog, sibuyas, dahon ng sibuyas, paminta at asin. Haluin.

Gumawa ng bola-bola, ayon sa gustong laki. Itabi.

Sa mainit na kawali, igisa ang bawang at sibuyas.

Ilagay ang tubig at ihalo ang meatballs habang hindi pa kumukulo para hindi ito maghiwa-hiwalay.

Ilagay ang patola, misua at pakuluan hanggang maluto.

Maaari nang ihanda ang almondigas.
Maaari nang ihanda ang almondigas.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
soup affordable meals
UKG
Misua
meatnballs
Almondigas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT