'Biglaang pagkain ng marami sa gabi, masama sa bituka' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Lifestyle

'Biglaang pagkain ng marami sa gabi, masama sa bituka'

'Biglaang pagkain ng marami sa gabi, masama sa bituka'

ABS-CBN News

Clipboard

Hindi magandang "eating habit" o gawi sa pagkain ang biglaang pagkain ng marami sa gabi matapos kumain nang paunti-unti sa araw, ayon sa isang gastroenterologist o espesyalista sa digestive system.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"'Yong mga biglaan, nagda-diet and then sa dinner, doon nagbi-binge eating, hindi rin ho maganda kasi nabibigla din 'yong ating bituka," paliwanag ni Dr. Suzette Grace Kho-Herman sa programang "Ma-Beauty Po Naman" ng DZMM.

Ipinapayo ni Kho-Herman na sa halip na biglain ang pagkain sa gabi, mas mainam na kumain nang patingi-tingi, o ng lima hanggang pitong beses kada araw.

"Mas maganda pa rin 'yong small frequent feeding," ani Kho-Herman. "Kahit pakonti-konti, mga meryenda-meryenda."

ADVERTISEMENT

Ayon kay Kho-Herman, kadalasang inaabot ng apat hanggang anim na oras bago matunawan ang isang tao ng kaniyang kinain.

Pero may iba umanong tao na mas mabagal ang digestion o pagtunaw dahil sa mga sakit gaya ng diabetes.

Isa pa raw sa mga maling nakagawian sa pagkain ay iyong paghiga ng isang tao matapos kumain, at ang pagkain bago matulog.

"Sometimes 'yong iba, kaya sila parang nae-empatso, o 'yong iba magko-complain ng reflux, may asidong umaakyat sa lalamunan, kasi 'yong iba matutulog na lang, kakain pa ng mga midnight snack, o medyo marami pa 'yong nakakain, and then hihiga sila afterwards," ani Kho-Herman.

Kapag humiga raw ang isang tao nang hindi pa lubusang natutunawan ng kinain, umaakyat muli sa lalamunan ang kinain niya.

"Sometimes 'yong pagkain natin 'di pa masyadong digested, hihiga tayo, so ang tendency, if we lie flat, the stomach, at saka 'yong lalamunan natin, parang naka-flat sila, dere-deretso so umaakyat 'yong pagkain, bumabalik."

Mainam na palipasan muna ang dalawa hanggang tatlong oras bago mahiga at matulog ang isang tao matapos kumain, anang doktora.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.