'Don't be sorry, 'nak': Guro binigyan ng krayola ang estudyanteng walang pambili | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Don't be sorry, 'nak': Guro binigyan ng krayola ang estudyanteng walang pambili

Job Manahan,
ABS-CBN News
Published Oct 17, 2020 04:55 AM PHT

MAYNILA — Naantig ang puso ng mga netizen nitong Biyernes nang mag-viral sa social media ang pamimigay ng isang guro sa Santiago City, Isabela ng krayola para sa kanyang estudyanteng wala umanong pambili nito.

Ayon sa guro na si Velcher Castillo, dahil walang pangkulay, nilagay na lang ng bata kung ano ang dapat na kulay ng bawat bahagi ng kanyang drawing sa kanyang assignment.

"Don't be sorry, nak. I understand you. Here's a box of crayons for you... Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap," sabi ni Castillo sa kanyang post, na lagpas 72,000 na ang nag-react at mahigit 32,000 na ang nag-share.

Dagdag ni Castillo, mismong siya ay napaluha nang mabasa ang sinabi ng estudyante sa kanyang assignment, kaya bumili agad siya ng pangkulay.

"Kitang-kita po yung kagustuhan ng batang lagyan ng kulat yung gawa niya ngunit dahil wala nga po siyang pambili sinulat niya nalang po yung mga kulay roon sa design niya para ma-visualize ko pa rin," ani Castillo.

"Drawing lang kasi dapat yung ng kanilang batik design pero may sulat siya roon. Pagbasa ko iyon nga po yung nakalagay. Hindi ko po maipaliwanag yung naramdaman ko pagkabasa ko noon. Bigla na lang po ako naluha," dagdag niya.

Nag-effort daw kasi ang bata sa kanyang assignment at na-appreciate ito ng guro.

"Kahit man lang sa pamamagitan ng krayolang iyon, maramdaman niyang kasama niya pa rin ako sa kanyang pagkatuto. Lagi't lagi po para sa bata," sabi ng guro sa panayam sa ABS-CBN News.

Nakausap na rin aniya niya ang bata at naging emosyonal ito sa kanyang pasasalamat.
Nakausap na rin aniya niya ang bata at naging emosyonal ito sa kanyang pasasalamat.
ADVERTISEMENT
"Tinawagan ko siya. Nung kinamusta ko siya akala ko sinisipon siya iyon pala umiiyak siya dahil nakita niya na nga raw yung post ko at nagpapasalamat siya. Ramdam ko 'yong sincerity sa bata," sabi niya.

Nakiki-wifi lang din umano ang bata at walang sariling internet connection sa kanilang bahay.

Sabi ni Castillo, mahirap para sa maraming guro at estudyante ang distance learning, lalo na't wala ang mga guro sa tabi ng mga bata para turuan at alalayan ang mga ito.

"Sa pamamagitan ng paggawa ng isang kumprehensibo at malikhaing modyul, pinaparamdam namin na kasama pa rin nila kami. Kahit na at kahit pa."

Si Castillo ay isang Grade 8 Music, Arts, PE and Health teacher sa Isabela. Ikalawang taon pa lamang niya sa pagtuturo.

Read More:
Viral news
social media
Tagalog news
patrolph
Guro krayola
distance learning
guro nagbigay ng krayola
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT