Pag-inom ng buko juice, gamot nga ba sa UTI? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-inom ng buko juice, gamot nga ba sa UTI?

Pag-inom ng buko juice, gamot nga ba sa UTI?

ABS-CBN News

Clipboard

Madalas iminumungkahi sa mga may urinary tract infection (UTI) o impeksiyon sa daluyan ng ihi ang pag-inom ng buko juice. Pero, epektibo nga ba ito bilang lunas sa naturang sakit?

Sa programang ‘Good Vibes’ sa DZMM, sinabi ng urologist na si Dr. Samuel Yrastorza na nakatutulong naman sa mga may UTI ang pag-inom ng buko juice pero kahit tubig lang aniya ay epektibo na.

“Totoo naman ‘yun. Kaya nga narinig niyo kanina, inom ka lang ng buko o inom ka lang ng tubig. Actually hindi mo kailangan ng buko, you just need lots of water kasi kung normal naman kidneys mo, inom ka lang nang inom ng tubig, ihi ka nang ihi.”

Paliwanag pa ng doktor, makabubuti ang pag-inom nang madalas upang dumalas din ang pag-ihi at malinis ang daluyan nito.

ADVERTISEMENT

“Kasi ‘yung pag-ihi natin is a normal defense mechanism ng katawan. Kung ihi ka nang ihi, walang chance ang bacteria na kumapit sa daluyan ng ihi, at dumami para magkaroon ng infection. So [kapag] ihi ka nang ihi, nawa-wash out iyong bacteria," paliwanag ni Yrastorza.

Pagdating naman sa iba pang juice na sinasabing lunas sa UTI, nilinaw ni Yrastorza na wala namang partikular na inumin na mas nakapagpapagaling.

“Base sa pag-aaral, walang specific juice na nakakapag-prevent ng UTI. As I told you, inom ka lang nang inom ng tubig, ‘yan talaga ang nakakapagtigil o nakakapag-treat ng infection.”

Dagdag pa ni Yrastorza, base sa mga pag-aaral ay maaaring mawala ang UTI nang hindi umiinom ng antibiotic para rito.

“Base sa studies, kahit hindi ka mag gamot with antibiotics for UTI, usually nawawala siya on its own because we have our own defense mechanism. Mayro’n tayong immune system na lumalaban. Inom ka lang nang inom ng tubig, mawawala rin later on ‘yung infection.”

Sa kabila nito, makabubuti pa rin aniya na magpatingin sa doktor dahil mas mataas ang tsansa na muling magka-UTI ang mga hindi uminom ng gamot.

“Pero base rin sa pag-aaral na ‘yun, 50% ng mga pasyente na hindi nagte-take ng antibiotic, bumabalik ang infection… Better talaga magpa-check up saka mag-take ng antibiotics.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.